Practice
Haileigh's P.O.V
Nandito kami ngayon sa gym dahil may i-aanounce daw tungkol sa event namin this weekend.Magkakatabi kaming umupo nasa likuran naman namin ang limang boys dahil si Jeighz at Lunah nasa ibang upuan kasi ahead kami sa kanila.
''Ano kaya ang i-aanounce?'' tanong ni Narelle.
''Aba'y malay ko.'' sagot ko naman.
Ilang minuto rin ang lumipas at nakita na namin ang Dean na umakyat sa stage at nagsalita na.
Ayun na naliwanagan na rin kami sa wakas,may event pala sana kami ngayon ang kaso inatras dahil may sports na isasali kaya inatras para maka pratice pa ang mga player at makapagpre-pair pa kami ng maayos so this whole weekend wala kaming ibang gagawin kundi ang magpractice at magdecorate ng room.
''Ano naman ang sasalihan ko, eh wala naman akong sports.'' sabi ni Chasity.
''Diba sabi naman ni miss kung walang sasalihan na sports tutulong na lang sa pagdecorate ng room?'' sabi ni Ryleigh
''Oo nga naman Chasity,wag kang mag-alala dahil hindi ka naman nag-iisa dahil wala rin naman akong sports.'' sagot ko rin.
Ayun bumalik na kami sa room at nagsimula na kaming mag-usap ng mga kaklase ko na hindi rin sasali sa sports kaya pinaplanuhan na namin kung anong gagawin namin sa room.
Maya-maya pa ay pina tawag na ang mga sasali sa sports.
''Go Narelle kaya mo yan.'' sabi ni Chasity,sasali kasi si Narelle ng badminton.
''Kinakabahan ako huhuhu.'' sagot niya.
''Kaya mo yan for sure makikita mo rin si bunso dun,sasali rin yon sa volleyball.'' sabi ko.
''Sasali rin kayo?'' napatingin ako kay Chasity ng magsalita siya,at napatingin ako sa limang asungot na tumayo na rin.
''Oo eh,sa basketball kami lahat.'' sagot ni Xandrei.
''Go kaya nyo yan.'' ngiting sabi ni Chasity.
Naglakad na sila papuntang pinto ng lumingon sa pwesto ko si Kheiden at dahil nga nakatingin ako sa kanila nagtama ang paningin namin,kinindatan nya pa ako bago sila tuluyang umalis.Ako naman napa-irap na lang sa hangin at nag cooperate na para sa gagawin naming design.
Sumapit ang break time so napag-usapan na lang namin na dun na sa may gym kumain at dinalhan narin namin ng pagkain sina Narelle at Lunah para makanood rin kami ng practice nila.
''Excited nako para magcheer sa kanila sa araw ng laro nila.'' sambit naman ni Ryleigh.
''Ako rin,excited nako.'' Sagot ni Amarish.
Pagpasok namin ang daming tao,ibang year siguro.Hinanap namin sina Lunah at Narelle at nakita namin sila na nakaupo sa sahig at nagpapahinga,kasama rin nila ang anim na asungot dahit andun si Lunah kaya panigurado andun rin si Jeighz.
Lumapit na kami sa kanila.
''Oh.'' sabay abot ko ng pagkain sa kanila at umupo sa tabi nila.
''Asan ang akin babe.'' napatingin ako sa katabi ko at nakita ko si Kheiden na nagpapacute.
''Babe mo mukha mo!'' sigaw ko sa kanya.
''Ang daya sila nga dinalhan mo ng pagkain tapos ako wala.'' nakanguso nya pang sabi.
''Ay naku bahala ka sa buhay mo.'' sagot ko.
''Ewan ko sayo,tampo ako.'' sabi niya sabay halukipkip.
''Ano ka bata? pake ko kung tampo ka? edi suyuin mo mag-isa sarili mo.'' asar ko sa kanya.
''Ayaw ko gusto ko IKAW lang ang susuyo sakin eh.'' sabay akbay niya sakin at nilapit niya ang mukha niya sakin.
''Lumayo ka nga!'' tulak ko sa kanya papalayo.
''Ehem!!!'' baka ma una pa kayo niyan samin ah.'' natatawang sabi ni Jeighz.
''Ano sabi mo? sapak gusto mo?'' hamon ko kay Jeighz.
''Wala akong sinasabi ate hehe kaw naman di kana mabiro.''
Napa-irap na lang ako,ng mapatingin ako sa gilid ko nakita ko si Kheiden na ang sama ng tingin sakin.
''Anong tini-tingin mo?'' tanong ko sa kanya.
''Tss.'' napatingala ako sa kanya ng tumayo siya at nanlaki ang mata ko ng hinila niya rin ako pa tayo.
''Anong ginagawa mo? kita mo bang nag-uusap pa kami dun!'' sigaw ko sa kanya.
''Bibilhan mo ako ng pagkain sa ayaw at sa gusto mo.'' sabi niya habang hinahatak ako papunta sa cafeteria.Napatingin ako sa kanya,seriously? hinatak niya ako para lang bilhan ko siya ng pagkain?nakashabu ata to eh.Napaka childish,abnormal talaga kahit kelan.
Pagdating namin sa cafeteria hinila niya ako papunta sa mga nakahain na pagkain.
''Gusto ko niyan.'' turo niya sa carbonara.
''Seryoso ka talaga kinaladkad moko dito para lang bilhan ka ng pagkain? napaka isip bata mo naman.'' nagsalubong ang kilay niya.
''Mukha ba akong nagbibiro?'' sabay lapit niya sa mukha ko at tumingin sa mata ko.
''At mukha rin ba akong yaya mo,para bilhan kapa ng pagkain?'' sagot ko.
''Bibilhan moko o hahalikan kita dito,siguro ayaw mo naman masira ang image mo dito diba?''
''Bina-blockmail mo ba ako?'' iritang tanong ko.
''Ano sa tingin mo? ayaw mo ba talaga akong bilhan ng pagkain? okay lang naman sakin nahalikan ka dito wala namang aaway sakin dito ewan ko na lang sayo.''
''Aissssttt sige na nga!'' salubong ang kilay nasabi ko.
Binilhan ko siya ng carbonara at hinila na papalabas ng cafeteria dahil nakakailang ang mga tingin ng mga tao samin palibhasa may kasama akong gwapong asungot.
''Ang dami-dami mong pera bakit nagpabili ka pa sakin ayan tuloy pinagtitinginan na tayo.'' reklamo ko.
Tinatahak na namin ang daan ng gym ng hinila niya ako sa likod ng school dun sa garden.
''Bakit mo na naman ba ako hinila dito ha? ano paba kaylangan mo?'' naiirita kong sabi sa kanya.
Hinatak niya ako papunta sa isa sa mga bench at pinaupo niya ko saka siya tumabi sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
''Subuan moko.'' sabi niya.
''Ano?! ano ka bata? napaka-isip bata mo naman.'' sigaw ko sa kanya.
''Susubuan moko o --'' pinutol ko ang sasabihin niya.
''Ano hahalikan mo naman ako,ha! o ngayon walang tao dito sinong tinatakot mo!'' hamon ko sa kanya.
''Yan nga eh walang tao rito kaya pwede kong gawin ang gusto ko sayo.'' ngising sabi niya.
Namula ako sa sinabi niya.
''So?'' ngising tanong niya.
''Oo na ewan ko ba bakit moko pinagtri-tripan ngayon,una tinawag mokong babe eh hindi naman tayo,pangalawa kinaladkad mo ako para lang magpabili ng carbonara at ngayon nag papasubo ka,tss hindi ko na alam pag may nakakita satin at kung anong isipin.'' maktol ko habang sinusubuan ko siya.
''Tss,subuan mo na lang ako wag ng daming sinasabi halikan kita diyan eh.'' hindi na lang ako nagsalita dahil baka malibing ko to ng buhay.
--------------------------------------
Thank you po sa mga votes and comments.Luvlotzzz
-Nana
BINABASA MO ANG
The Childish Mafia Boss
Dla nastolatkówMafia Boss- Dalawang salita pero nakakatakot.Pagnaririnig ang salitang ''MAFIA BOSS'' pumapasok ka agad sa mga ating utak ang salitang, MAMAMATAY TAO,RUTHLESS,HEARTLESS,CRIMINAL, o kung ano pang masasamang salita. Pero ano kaya ang magiging reaksiyo...