Date?
Haileigh's P.O.V
''Haileigh gising na.'' napakunot ang noo ko, sa pag kakaalam ko sunday ngayon so ibig sabihin okay lang kung anong oras kami magising,eh bakit may ng gigising sakin.
''Haileigh pag dika talaga gumising diyan sasapakin na kita.'' aba't mananapak pa? eh sila ngatong ng gigising eh.Minulat ko ang mata ko at napadako yon sa limang babae na nakapalibot sa kama ko.
''Ano bang problema nyo? kita niyong natutulog ang tao eh.'' ungot ko.
''Maligo kana may pupuntahan tayo diba?'' sabi ni Chasity na nagpakunot ng noo ko.
''May pupuntahan? tayo? saan?'' napa face palm silang lahat sa sinabi ko kaya mas lalo lang kumunot ang noo ko.
''Alam mo kagabi kapa lutang,ito ha sasabihin ko ang nangyare habang lutang ka kahapon.'' sabi ni Amarish.Tumango lang ako.
''So diba hatid sundo tayo ng mga boys,kahapon ng makarating tayo lahat dito sa tapat ng bahay,sabi ng mga boys may sasabihin daw sila,pero ikaw tong si lutang nagdere-deretso ka kahit tinatawag kapa namin,kaya no choice kami kundi mag-usap na lang ng wala ka,sabi nila dahil sunday ngayon pwede daw bang lumabas tayo kasama sila.so napagdesisyunan namin na sasama dahil wala naman tayong gagawin dito.Kaya aalis tayo ngayon at mamamasyal kasama ang boys.'' mahabang paliwanag ni Amarish.
''Hala bakit di nyo sinabi sakin kahapon pa?!'' singhal ko sa kanila.
''Eh baka mabigwasan mo kami mukhang wala ka pa naman sa mood kahapon kaya ngayon na lang namin sinabi sayo.'' Sagot ni Amarish.
''Anong oras tayo aalis?'' tanong ko.
''8:30am.'' nanlaki ang mata ko ng mapatingin sa orasan.7:45 na!.Tiningnan ko pa muna sila lahat bago naligo at nagbihis.Paglabas ko wala na sila sa kwarto ko kaya dumeretso na ako sa sala.
Tama nga ako nasa sala silang lahat,simple lang ang ayos namin mamamasyal lang naman kami eh.Naka sweatshirt lang ako na kulay violet at shorts and sneakers.Umupo ako sa tabi ni Narelle habang hinihintay namin ang boys.
Maya-maya pa nakarinig kami ng sasakyan so tumayo na kami at sinalubong na ang mga boys.
''Good morning sa inyo.'' bati ni Jeighz samin.Binati lang namin siya saka nag-aya na silang umalis.
''So guys magkita-kita na lang tayo sa mall ha.'' sabi ni Jeighz at kumaway at pumasok na sa sasakyan niya.
Lahat sila nag si pasok na sa sasakyan pwera na lang samin ni Kheiden.Hindi ko alam ang sasabihin na iilang ako sa kanya.
''Hey halika na.'' aya niya sa akin,tumango na lang ako at pumasok na sa sasakyan niya.
''About don sa kahapon,Im really sorry hindi ko talaga sinasadya yun.'' hingi niya na sorry.
''Okay lang.'' sagot ko habang nakatingin lang sa harap,ayoko siyang tingnan natatakot ako na baka bumalik ang nakakatakot niyang aura.
''Kung okay lang bakit ayaw mo kong tingnan sa mata? tapos hindi ka nagsasalita,iniiwasan mo ba ako?'' may halong lungkot sa tinig nito.
''Hi-hindi sa ganon,ahm na iilang kasi ako kaya ganon.'' nakayuko kong sabi.
''Don't be,please.'' sabi niya.
''Ang bigat sa pakiramdam pag dimo ako pinapansin.'' dagdag pa niya.
''Sorry.'' tiningnan ko siya,tinabi niya ang sasakyan at niyakap ako.
''So okay na tayo?'' tanong niya nag nod na lang ako at ngumiti.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa mall.Napagdesisyonan namin na kumain muna bago mamasyal.
''San tayo kakain?'' tanong ni Gio.
''Sa Mcdo.'' sagot ni Chasity.
''Sa greenwich.'' sabi ni Ryleigh.
Nagtatalo pa sila kung saan kakain.
''Ikaw Haileigh san mo gustong kumain?'' tanong sakin ni Kheiden.
''Sa Jollibee.'' sagot ko.
''Edi maghiwa-hiwalay muna tayo tapos kita-kita na lang tayo ulit pagkatapos kumain.'' Sabi ni Zach.
''No hindi tayo maghihiwalay hindi yon masaya no.Masaya pagmarami kayo sa grupo.'' saad ni Jeighz.
''Eh saan tayo kakain?'' tanong nila.
''Sa Jollibee na lang,alam kung hindi kumakain sa ibang kainan si Haileigh eh loyal yun sa Jollibee haha.'' natatawang sambit ni Chasity.
Sumang-ayon ang lahat na sa Jollibee na lang kami kakain,totoo naman hindi talaga ako kakain sa iba loyal ako kay Jollibee eh hahaha.
So ayon pinag dikit-dikit namin ang tatlong lamesa at umorder na.Treat ng boys sila nag aya eh.
To be continued
------------------------------------
Sa lahat po ng nagco-comments and votes sa story nato sobrang thank you,salamat talaga and God Bless you all.Luvlotzz
-Nana
BINABASA MO ANG
The Childish Mafia Boss
Teen FictionMafia Boss- Dalawang salita pero nakakatakot.Pagnaririnig ang salitang ''MAFIA BOSS'' pumapasok ka agad sa mga ating utak ang salitang, MAMAMATAY TAO,RUTHLESS,HEARTLESS,CRIMINAL, o kung ano pang masasamang salita. Pero ano kaya ang magiging reaksiyo...