Chapter 10

1K 72 4
                                    

~~o~~o~~o~~o~~


Third Person's POV


Mabilis lang na lumipas ang araw para kina Yuri, halos lahat ay excited ng makalabas ng kombento para makasama ang kani kanilang pamilya sa mahabang pagbabakasyon

Nasa kwarto pa ang lahat habang inihahanda ang kani kanilang gamit dahil alas otso ang alis nila sa kombento, may bus na susundo at maghahatid sa kanila papunta sa terminal kung saan sasakay ang ilan sa kanila at sa pantalan

Dahil ang ilan ay galing sa malalayong probinsiya, nakakuha lang ng libreng pag aaral para maging isang ganap na Madre, dahil iyon ang gusto ng ilan

Nasa labas na sila ng kombento ng alas siyete y medya, nakahanda na ang bawat isa at halos todo ang ngiti at di na mapakali sa kanilang kinatatayuan

"Sasama ako sa inyo," ani ni Nena sabay lapit sa kanila ni Sister Janelle

Napakunot ang noo niya ng mapansing di iyon mapakali

"Di mo ba nami miss ang pamilya mo?," tanong niya dito

"Nami miss ko sila," tugon nito sa kanya,"Pero sila malamang hindi nila ako na mimiss kasi ampon lang naman ako eh,"

"Ha?," Gulat niyang tanong,"Hay naku, Marinella, di kita maintindihan,"

"Pakiusap po, Sister Janelle," Pakiusap pa nito sa kanilang dalawa,"Magpapa kabait po ako, di po ako magpapasaway," pakiusap pa nito

"Sige," nakangiting pagsang ayon ni Sister Janelle kaya natuwa nalang si Marinella o Nena kung tawagin

Napailing nalang siya bago binitbit ang travelling bag at isang backpack pasakay ng bus na kakahinto pa lang sa labas ng kombento

Kanya kanya na silang sakay sa bawat bus at hanap ng pwesto

Kaway dito kaway doon ang ilan na ginawa nila para magpaalam sa mga Madre na nakatingin sa kanila

Nginitian muna niya ang Madre Superior bago tuluyang pumasok sa loob ng bus

Naupo siya at pumuwesto sa bintana, nakita niyang nilapitan ang pwesto niya at kinawayan siya, hindi sila makapag usap dahil sarado ang bintana noon sa kadahilanang aircondition iyon

Tumangi lang siya at ngumiti dito, nagpapasalamat din siya kasi mabait ito sa kanya kahit na napaka istrikta nito

Ilang sandali pa ay nasa pantalan na silang tatlo, sila ang pinakahuling inihatid ng bus na kanilang  sinakyan

Agad nilang binitbit ang mga gamit at bag bago bumaba ng bus at dumiretso na agad sila sa barkong nakadaong

Marami rami na din ang umaakyat sa barko kaya napagpasyahan n din nilang umakyat matapos makapamili ng kanilang pagkain sa isang tindahan na nagbebenta ng mga pasalubong

Tahimik lang silang umakyat at dumiretso sa ikalawang palapag ng barko para hanapin ang kanilang cabin,

Ang cabin nila ay pang apatang katao pero dahil kasama na nila si Nena ay mas masaya sila

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon