Chapter 33

894 70 4
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Yuri Leigh's POV

Kahit medyo masama pa ang pakiramdam ko ay bumangon ako, iba ang nararamdaman ko sa paligid, malansa at may mga huni ng kung anong mga hayop

Napasulyap ako sa malaking orasan, halos tatlong oras pa lang ako nakakatulog

Kinuha ko ang buntot pagi at agad na lumabas ng aking silid

Alam ko, may mga aswang sa paligid, lalo na at may sakit ako, isa din iyon sa puntirya nila

Dahan dahan akong naglakad pabasa ng akong kwarto, at nakita ko sina Kevin at Khael na nasa sala tahimik na nakaupo at nakikiramdam din siguro

Nakita kong siniko ni Kevin ang katabi dahil nakayuko iyon habang nakaupo, agad naman nitong nilingon ang katabi

Ininguso ako ni Kevin kaya napunta din sa akin ang tingin ni Khael, nagulat siya at agad akong nilapitan ng mabilis

"Bakit bumangon ka?," mahina pero punong puno ng pag aalala na tanong niya sa akin,"Baka mapaano ka niyan, Leigh?,"

Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko matagalan ang mga titig niya na punong puno ng pagmamahal at pag aalala sa akin

"May mga aswang sa paligid," tugon ko sa kanya,"Naaamoy nila na may sakit ako kaya paikot ikot sila ngayon,"

"Oo alam ko," sagot ni Khael sa akin,"Pero nandito kami, lalo na ako, hinding hindi kita pababayaang mapahamak,"

"Tama siya, Yuri," pagsang ayon ni Kevin sa kaibigan niya habang inihahanda ang mga gamit nito,"Magpahinga kana lang muna,"

"Hindi din ako makatulog," sagot ko at naglakad na papunta sa upuan,"Kahit na malakas ang ulan ay nagagawa pa nilang maghanap ng makakain,"

"Hindi natin alam ang takbo ng utak nila lalo na ang kanilang tiyan," sagot ni Khael sa akin habang alalay niya ako papaupo

"Kape?," alok naman ni Kevin sa akin, ngayon ko lang napansin ang thermos, tasa at pangkape na nasa lamesita,"Malamig kasi kaya nagka kape kami ni Khael habang nagbabantay dito,"

"Salamat," ani ko sabay tango, nagtimpla naman siya ng tatlong kape habang tahimik na nakaupo si Khael, nasa harapan ko siya nakapwesto

Kaya halos naiilang ako dahil sa nakatingin siya sa akin, matapos makapagtimpla si Kevin ay binigyan niya kami ng tig isa ni Khael, kaya naalis ang tingin niya sa akin

Tahimik na kaming tatlo habang nakikiramdam sa kapaligiran

Halos ang gasera lang sa sala ang nakasindi, kaya medyo madilim ang bandang kusina at ang mga kwarto namin

Malakas pa din ang pagpatak ng ulan sa bubungan, samahan pa minsang pagkulog at pagkidlat

May mga huni ng baboy, pato at baka akong naririnig na paikot ikot sa labas ng bahay, alam ko naman na hindi iyon ordinaryo

At isa pa sa pagkakaalam ko wala kaming alagang mga hayop maliban sa mga manok na may kalayuan ang kulungan

Lalong lalo na hindi iyon sa mga kapit bahay, dahil hindi naman nila hinahayaang makalabas ang kani kanilang mga alaga lalo na sa gabi at masama ang panahon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon