Chapter 73

854 70 4
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Kinabukasan din ay agad na umalis ang tatlo para mahanap at matulungan sila Yuri sa paghahanap sa pinsan nito

Nag aalala din sila sa maaaring mangyari at makalaban ng mga ito lalo na si Khael

Kahit na matapang at malakas ang loob ni Yuri ay alam niyang babae pa rin ito, may kahinaan at may hangganan ang lakas nitong taglay

Matapos lang sila makapag almusal ay umalis na sila patungo sa pantalan para sumakay ng Barko, halos marami ng tao ng makarating sila doon, siksikan sa pilahan ng ticket

Pribadong silid din ang kanilang kinuha para makakapag usap silang tatlo na walang makakadinig

"Tatlong araw pa bago tayo makarating at tatlong oras ang biyahe," ani ni Kevin,"Sana maabutan natin silang ligtas lalo na ang pinsan nila at ang anak nito,"may pag aalalang turan pa

"Sana nga," pag sang ayon niya, matapos makapagpahinga ay lumabas silang tatlo

Pumunta sila sa taas ng barko kung saan makikita nila ang mga taong abala sa mga kaanak nila,

Nagpalipas sila ng ilamg sandali doon bago umalis sa pantalan ang barko, marami rami pa din ang mga taong nasa pantalan na kumakaway sa mga kaanak

Napatingin siya sa di kalayuan, medyo malalim na sa parteng iyon

Nakita niya ang mga sirenang kumakaway sa kanya

"Kamusta, Mahal na Prinsipe?," tanong na kaway ni Prinsesa Aquaria,"Ikinagagalak kong makita kang nasa maayos na kalagayan at ligtas, Mahal naming Prinsipe,"

"Kamusta, Mahal na Prinsesa?," nakangiting bati ni Khael gamit lang ang isip niya,"Mabuti naman ako at ligtas na din,"

Tumango lang si Prinsesa Aquaria sa kanya

"Mag iingat ka Mahal na Prinsipe," paalala nito sa kanya,"Malapit ng magsing si Barakuda kahit na wala pang inaalay na birheng babae si Haring Serafino,"

"Ha? Papaanong nangyari iyon?,"

"Hindi namin alam," napapailing nalang si Prinsesa Aquaria,"Mag iingat ka din sa pinsan mong si Apollo, isa siyang malakas na uri ng aswang. Mas malakas pa sa kanyang ama, pero ikaw lang ang makakatalo sa kanilang lahat kapag nakuha mo ang mutya ng bulaklak ng Arguas,"

Tumango lang siya ng mahina sa kausap na sirena, na napakaganda at nakakaakit ang itsura nito

"Nandito lang kami para tulungan ka," ani nito sa kanya,"Kami na ang lalaban sa mga alagad ni Barakuda dahil mga katulad din namin ang kanyang mga alagad, tanging si Barakuda at Haring Serafino at Apollo ang makakalaban mo,"

Ilan pa sa mga iyon ang pinaalala ng sirena sa kanya bago nilamon ng malaking alon ang mga iyon

Kaya hindi na niya nakita at nakausap, alam niya na sumabay na sa malaking alon ang mga kaibigan niyang sirena

Matapos iyon ay nagpasya na silang pumasok sa loob ng barko para kumain ng pananghalian

~~o~~o~~o~~o~~

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon