Chapter 23

997 62 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Third Person's POV

Nang makarating ng Hacienda Greco si Apollo ay agad din siyang umalis matapos makitang kompleto ang kanyang mga alagad

"Maghasik kayo ng lagim at takot," bilin niya sa mga ito,"Uuwi lang ako sa aking Ama at may mahalagang bagay lang akong iuulat,"

"Masusunod po, Mahal na Prinsipe,"yumuko ang mga iyon at nagbigay pugay sa kanya

Kaya lalo siyang napangisi, magiging ganap na siyang Prinsipe at taga pagmana kapag tuluyan na niyang napatay ang kanyang pinsan at ang tunay na tagapagmana

Agad siyang umalis matapos makapaghabilin sa mga iyon, agad niyang kinuha ang langis na kanyang iinumin para hindi siya mahirapang pumasok at lumabas sa lagusang iyon

Ginamit niya ang kanyang bilis at pakpak para makarating kaagad sa lugasan na nasa gitna ng kagubatan na nasa pinakadulong bahagi ng Sitio Kilabot

Pero bago siya makarating doon ay naghanap muna siya ng maaaring maipasalubong sa kapatid at magulang niya

Napansin niya ang isang kubo na nasa pinakadulong bahagi na ng Sitio, nakabukas ang bintana noon at may nakita siyang dalawang sanggol na natutulog

Agad niyang kinuha ang dalawang sanggol bago umalis doon ng mabilis, pasalamat din siya at tulog ang mga ito kaya walang aberya ng umalis siya

Wala din ang mga bantay ng kambal na sanggol dahil nagpunta iyon ng kusina para kumuha ng maiinom, nakalimutan din nitong isarado ang bintana ng silid

Mabilis na siyang tumakbo papasok sa kasukalan ng kagubatan, kung saan naroroon ang lagusan

Agad niyang hinawi ang mga nagtataasang talahib, damo at mga baging na nakapaikot sa bukana ng lagusang iyon bago ininom ang nasa maliit na bote

Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat siya ng mga mata bago pumasok sa loob ng walang pag aalinlangan

Nakakaramdam siya ng kakaunting sakit pero kaya niya iyong tiisin dahil sa pangontrang nainom niya

Na hindi kagaya sa mga alagad niya, na nasaksihan niya kung paano kamuntikan ng mamatay ang mga iyon

Nakikita niyang nagtutuklapan ang mga balat at laman ng mga iyon, halos maligo na sa sariling dugo ang mga kasama niya pero wala siyang magagawa

Alagad lamang niya ang mga iyon at hindi kaanu ano, siya ay isang mataas na uri ng aswang, may lahing dugong bughaw at higit sa lahat ay siya ang Prinsipe

Kaya wala siyang pakialam kung mamatay ang mga iyon ora mismo

Ang mahalaga lang sa kanya ay mapatay ang kaagaw niya at maging isang immortal na aswang

Halos isang oras din siyang naglakad sa mahabang lagusang iyon bago makalabas sa kabilang dulo niyon

Iniikot niya ang paningin sa paligid, nagtaka siya dahil napakatahimik at wala ang mga bantay na naandoon lagi nakapwesto sa bukana ng lagusan

Agad siyang nagmadali sa pag punta sa kaharian gamit ang nakakatakot niyang anyo

Kinakabahan siya para sa kanyang Ama, inang Reyna, sa isang kapatid na babae at sa isa pa niyang kapatid na lalake, na nasa limang taong gulang pa lamang

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon