Chapter 27

954 76 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

"La, naayos ko na po ang tutulugan nilang tatlo," ani niya sabay turo kina Khael,"Tapos sa kwarto ko na po matutulog sina Sister Janelle at Sister Nena, sa kwarto mo nalang po ako matutulog,"

"Sige, sige," pag sang ayon naman ni Lola Maria sa kanya,"Tara na at ihahatid ko na kayo," yaya nito sa tatlong binata,"Ihatid muna sina Sister Janelle, apo," utos sa kanya

"Opo, tara na Sisters," yaya niya sa mga iyon kaya sumunod na din ang dalawa sa kanya

Matapos maihatid ang dalawa ay nagtungo siya sa kusina para mag ayos ng mga kalat doon bago siya matulog,

Dahil alam niya didiretso na ng kwarto nila ang kanyang Lola

Isinarado na niyang maigi ang lahat ng bintana at pintuan, sinigurado niyang may mga pangontrang nakalagay sa bawat bintana at pintuan bago siya pumunta sa kwarto nilang maglola

Sa kwarto naman ng tatlo

"Tara labas tayo," yaya ni Khael,"May nararamdaman akong kakaiba, susugod ang mga aswang,"

"Ha? Saan naman?," takang tanong naman ni Bryan na napa bangon

"Baka magalit sila Lola Maria," nag aalangang sabi ni Kevin

"Nagpaalam na ako sa kanya kanina," paliwanag niya sa dalawa,"Kaya dito tayo sa bintana dadaan kasi sa mga pintuan at bintana sa labas ay may mga pangontran daw na inilalagay ang apo niya, baka masaktan daw ako,"

Napabuga hininga nalang ang dalawa bago nag ayos at inihanda ang kanilang mga gamit

~~o~~o~~o~~o~~

Hacienda Greco

Alas Nuwebe ng Gabi

Nakahanda na ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagsalakay sa malaking bahay ng Don Greco

Ang mga kababaihan naman ay nagsipag alisan na noong umaga pa lang dahil ayaw silang mapahamak ng kani kanilang pamilya

Ang mga naiwan lang ay ang mga may kakayahang lumaban at ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa kapahamakan

Ang mga maliliit pa nilang anak o kaanak ay isinama ng umalis kasama ang mga matatanda na sa kanilang pamilya

May mga dala silang sulo, tabak, kawayang pinatulis ang dulo, mga itak na yari sa tanso, asin na hinaluan ng sandamakmak na mga bawang at higit sa lahat ang buntot ng pagi

Sumugod sila sa malaking bahay ng mga oras na iyon para wakasan na ang kasamaan ng Don at ng mga kasama nito sa bahay

Nang mga sandaling iyon ay lumalantak ng mga tao ang mga aswang, kasama na si Apollo

Ang mga kasambahay ng Don ang kanyang ipinakain para sa kanyang mga bisita

Napuno ng sigawan at iyakan sa loob ng bahay, may isa namang nakatakas

Hinabol iyon ng isang malaking aso na ang mukha ay sa baboy, tumakbong umiiyak ang babae papunta sa mga kabahayan

At sa awa naman ng Diyos ay nakasalubong nito ang mga kalalakihan

"Tulungan niyo ako," umiiyak nitong saad sa mga iyon,"Aswang," sabay turo sa malaking aso na nasa likuran nito

Humanda naman ang mga kalalakihan sa paprating na malaking aso na ang mukha ay sa baboy, agad nilang pinaikutan iyon at pinaghahampas ng buntot pagi

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon