Chapter 71

874 71 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Nang sumunod na araw ay maagang umalis sina Yuri sa bahay nila Lola Maria, nandoon pa din ang tita Hanna niya para samahan ang Lola niya habang wala siya ng ilang araw

Matapos makapag almusal ay umalis na kaagad sila ni Martha, hindi na nila nasunod ang usapan na ilang araw pa bago sila umalis

Dahil kinakabahan na si Yuri na baka hindi na nila maabutang buhay ang pinsang si Katrin pati ang magiging anak nito

Kaya kahit dalawang araw pa bago ang alis nila ay ginawa na nilang kinabukasan kaagad

Tutal nakahanda naman na din ang kani kanilang mga gamit kaya wala na silang sinayang na oras

Agad silang sumakay ng bus papunta sa pantalan, para sumakay ng barko na maghahatid sa kanila sa Isla Magayon

Dahil tatlong araw ang biyabe patungo doon at tatlong oras naman ang biyahe patungo sa Sitio Mariputo

"Tagtag tayo nito sa biyahe, Ate," ani ni Martha sa kanya,"Sasakit pwet natin nito,"

Natawa nalang siya habang papaakyat sila sa barko na aalis ng hapong iyon

"Tiis lang, Martha," ani niya

"Baka magkapigsa ako nito, Ate," dagdag pang biro nito, kaya napapailing at napapatawa nalng siya sa sinabi nito

Isang kwarto ang pinili nila at dalawa lang sila doon, kaya mas mahal ang pamasahe nila

Pero mas ayos na iyon sa kanila para makapag usap at makapagplano pa sila ng maayos ng walang makakadinig sa kanila

Mabilis silang pumasok at nahiga sa kamang nakalaan sa kanila, inilagay nila sa isang aparador ang kani kanilang mga gamit

"Ate," ani ni Martha,"Ano kaya ang naghihintay sa atin doon? Kinakabahan kasi ako,"

"Kahit ako ay ganoon din," ani niya,"Umiinit ang suot kong medalyon na bigay ni Lola,"

"Alin ang Saint Bennedict?," tanong nito sa kanya na ikinatango lang niya bago hinawakan iyon

"Sana ayos lang si Katrin,"

"Sana nga po Ate," ani nito,"Kapag ganito ang pakiramdam ko, malamang may mga aswang tayong makakasagupa,"

"Mag iingat nalang tayo," paalala niya, matapos makapagpahinga ay lumabas silang dalawa para makapag ikot ikot sa labas

~~o~~o~~o~~o~~

Nang umagang umalis sila Yuri saka naman dumating sin Khael, ang dalawa nitong kaibigan at ang Tatay Carlos nito ng tanghaling iyon, kaya nagulat si Lola Maria

"Pasok kayo," yaya nito sa apat bago pinapasok sa sala nila,"Napadalaw yata kayo? Kamusta ang kasalan?,"

"Ayos naman po, Lola," ani ni Khael matapos makapagmano

"May bisita po pala tayo, Tiyang," ani ni Hanna, nagmano din iyon kay Tatay Carlos"Tiyang punta po muna ako kina Martha,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon