Chapter 53

874 73 7
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Ilang sandali pa ay tumayo na si Yuri, inihanda ang mga gamit laban sa mga aswang

"Saan ka pupunta?," pagtatakang tanong ni Nena ng tumayo siya at lumapit na sa pintuan

"Lalabanan ang mga aswang," sagot niya,"Tutal lalabanan din naman natin sila kapag dadaan tayo sa bukana kaya ngayon na diba?," sagot niya na nakangisi

"Magma Madre ka ba talaga, Yuri?," takang tanong ni Kevin,"Eh dapat sayo nagpulis nalang eh,"

"Ewan ko din ba," napapakamot din siya ng ulo,"Dapat nga pulis nalang eh, kasi mahilig ako pumatay ng mga aswang," sabay tawa kaya napapailing nalang si Nena sa pinag gagawa niya

"Lalabanan niyo ang mga iyon?," may pagtatakang tanong ni Nardo sa kanya

"Oo," sabot niya,"Sa bukana ba sila nagpipista?," tanong niya

"Hindi," ani ni Lola Rita,"Malapit sa bukana ay may mga sirang bus na nakatambak, doon niyo makikita ang apo ko,"

"Doon nila kami hihintayin?," tanong naman ni Bryan

Tumango lang si Lola Rita sa tanong ni Bryan

"Tara na," yaya niya sa mga kasama niya,"Dalhin niyo na ang lahat ng dapat dalhin na panlaban para hindi tayo madehado sa labanang ito,"

"Sasama ako sa inyo," ani ni Elena na nakahanda na din pala ito

"Delikado, Elena," ani niya sa dalaga,"Kami nalang ang lalabas at magliligtas sa pamangkin mo,"

Umiling lang ito sa kanilang apat

"Panahon na para lumaban ako," ani nitong biglang lumungkot ang maamong mukha,"Ipaghihiganti ko ang asawa kong pinatay nila,"

Napayuko nalang sina Nardo dahil sa nadinig mula kay Elena

"Limang taon na ang nakakaraan," pagkukwento nito,"Kagaya niyo ay dayo din ang asawa ko, inihatid niya ako dito mula sa Lungsod, para makapagbakasyon, sa kasamaang palad dito na siya inabutan ng gabi at sakto ng araw na iyon ay nakabukadkad na ang bulaklak ng bukangliwanag,"

"Kapalit ng buhay naming mag ina," ani ni Flor,"May kasama pa ang asawa ni Elena, silang dalawa ang kapalit na hinihingi ng mga aswang,"

"Wala akong nagawa," umiiyak nitong sabi,"Kaya pati ang anak sana namin ay nawala dahil sa pangyayaring iyon,"

Hindi na sila nakaimik dahil sa nalaman at nalungkot sila dahil sa sinapit ng buhay nito

"Pahiram ng itak mo, Manong Nardo," paalam niya dito,"Parang mas gusto ko itong ipangkatay sa mga aswang eh," sabi niya sabay tawa para mawala ang kaba sa dibdib nilang lima

"Sige,"pag sang ayon ni Nardo,"Ibibigay ko na sayo yan kapag nailigtas mo ang anak ko at ligtas kayong makakabalik dito,"

"Sige," nakangiti niyang turan,"Gustong gusto ko ito, kaya di na ako tatanggi, magaan at napakatalas pa naman,"

"Iyong iyo na iyan, Yuri," ani ni Nardo na nakangit

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon