Chapter 11

1K 80 1
                                    

~~o~~o~~o~~o~~

Sister Janelle's POV

Pinagmasdan lang namin ang papalayong tricycle na sinakyan namin bago naupo sa may waiting shed


"Sister, may dadaan pa po bang sasakyan dito?," tanong ni Nena sa akin habang umiinom ng tubig

"Oo," tugon ko," Maghintay lang tayo ng ilang minuto, maaga pa naman eh,"

Tumango lang siya at naupo harapan ko, napatingin ako sa paligid ng Sitio, iniikot ko ang aking paningin hanggang sa mapadako ang aking tingin sa arko ng Sitio at napanganga nalang ako

Nakakita ako ng tatlong kalansay na nakasabit sa magkabilaang poste ng arko at sa mismong arko

Pinalitan din nila ang salitang Albana ng salitang kilabot na ang ginamit ay makapal na dugo na malamang galing sa tatlong kalansay

Kinilabutan ako sa aking nakita, Welcome sa Sitio Kilabot, tapos may mga uwak pang dumadapo sa taas

Nasa makabagong henerasyon naba kami o bumalik ako sa panahon kung saan bata pa ang mga magulang namin?

Halos naiwanan na yata ng panahon ang Sitio o baryong ito, halos mapuno ang magkabilaang gilid ng kalsada, may mga ilaw naman s amga poste pero hindi naman magkakalapit

Tapos ang mga bahay ay gawa pa din sa kahoy, may ilan na gawa na din sa yero ang bubungan, pero may mga ilan ay gawa sa kawayan, sa sawali ang mga bahay, ang mga bubungan ay yari sa pawid o mga dahon ng palay na inalisan ng mga butil

Makaluma pa din ang mga ilan sa mga kabahayan dito, may mga silong kung saan ang sahig ay yari sa mga kawayan o makapal na tabla

Ilang taon na ba akong hindi nakakauwi dito? Lima? Sampu o higit pa?

Namimiss ko na si kuya Carlos at ang mga pamangkin ko, malamang mga binata at dalaga na sila

"Sister Janelle," pukaw sa ni Nena s mahaba kong pagninilaynilay, tumingin lang ako sa kanya at naghintay ng kanyang itatanong,"Bakit po ang dalawang maleta ang dala mo at dalawang bag na malaki? Hindi kana po ba babalik sa Kombento?,"

"Hindi na," sagot ko na napabuga pa ng hininga,"Dito na ako magpapatuloy sa pagma Madre,may simbahan sa bayan,"

"Po?," gulat niyang tanong sa akin,"Paano po kami ni Yuri? Kaming dalawa nalang po ba ang babalik sa Lungsod pagkatapos ng tatlong buwang bakasyon?,"

"Baka ikaw nalang, Nena," tugon ko,"Hindi na din babalil doon si Leigh dahil mas gusto niyang kasama ang kanyang Lola dito, baka ipasok ko nalang din siya sa simbahan na lilipatan ko, pagkatapos ng bakasyon natin,"

"Paano po ako?,"malungkot niyang tanong sa akin, naaawa ako sa kanya, tamging silang dalawa lang ni Leigh ang naging malapit sa loob ko

"Ikaw ano ba ang plano mo?,"

"Alam ko na po talaga na wala ng balak bumalik doon si Yuri, dahil hindi niya po linya ang pagma Madre, Sister,"

"Oo, ipinagtapat nga niya iyon sa akin,"ani ko,"Ikaw ano ba gusto mo?,"

"Dito nalang din po ako," agad niyang tugon sa akin,"Ayaw ko na po bumalik sa Lungsod,"

Napabugtong hininga nalang ako sa kanyang itinugon

"Sister, sasakay po ba kayo?," singit ng isang tricycle driver sa pag uusap namin ni Nena

"Opo, sa may looban lang po, Manong," sagot ko sa kanya

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon