Chapter 74

918 78 12
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Tatlong araw ang mabilis na lumipas, nakarating naman ng maayos ang tatlo sa Isla Magayon

Humanap din ng biyahe patungo sa Sitio Mariputo, alam nila na gagabihin na sila kapag nakarating sa Sitio na iyon

"Paano natin mahahanap sila Yuri?," tanong ni Kevin habang nakasakay sa bubungan ng jeep

"Ako ng bahala," sagot niya,"Tutal gabi na ang dating natin doon ay madali ko ng magagawa iyon,"

"Ayun naman pala eh," ani ni Bryan,"Yan ang ating Prinsipe,"sabay tawa, buti nalamg at wala pa silang mga katabi kaya walang nakakadinig sa kanilang mga pinag uusapan

Pasado alas singko na ng hapon ng makaalis ang jeep doon dahil sa kailangang mapuno pa iyon at iyon na kasi ang huling sasakyan na bumibiyahe papasok sa Sitio na kanilang pupuntahan

Hindi na sila nagkwentuhan at nag usap tungkol sa gagawin nila, dahil napag usapan na nila iyon bago pa sil makababa sa barko

Ang iniisip nila sana ay hindi sila mahuli sa kanilang pupuntahan at maabutan nilang ligtas ang magpinsan pati ang sadya ng mga ito doon sa Sitio

~~o~~o~~o~~o~~

Umaga pa lang ay nakakaramdam na ng sakit si Katrin, halos hindi na siya makakilos sa loob ng bahay dahil sa pananakit ng tiyan at balakang niya

Alam na niya na anumang sandali o oras ay manganganak na siya, laking pasalamat niya dahil hindi pumasok ang asawa niy ng araw na iyon dahil sa nakikitang paghihirap niya

Nakabantay lang ito sa kanya at inaasikaso siya sa kanyang pagkain para hindi na siya tumayo at magpunta sa kusina

Hapon na ng mga sandaling iyon, sa pagkakaalam niya ay pasado na alas singko

Grabe na ang sakit ng kanyang tiyan at balakang, napapangiwi na siya sa sobrang sakit

"John, hindi ko na kaya," anas niya,"Dalhin mo na kaya ako sa ospital,"

"Katrin," ani nito,"Kapag hindi kaya ng kamadrona ay saka na tayo pupunta sa ospital," tanggi nito

Napapailing nalang siya, tumayo ito at lumabas ng bahay dahil dumting ang kanilang amo

Tumayi siya para silipin ang mga iyon na nasa di kalayuan

Nakita niya na inabutan ng pera si John, isang may kalakihang sobre na kulay brown, alam niya na malaking halaga ng pera iyon

Kaya sa isip isip niya ay baka nangutang ito sa amo para pambayad sa ospital kapag hindi na niya kinaya at hindi na din kinaya ng magpapaanak sa kanya

Sa mga sandaling iyon ay napapaluha siya, iniisip niya na sana nasa tabi niya ang mga magulang para umalalay sa kanya at magpalakas ng loob

Kahit ang mga biyenan niya ay hindi man lang sumilip doon para sana tulungan siya kahit na pakitang tao lamg para sana lumakas ang loob niya

Napaupo siya sa kawayang upuan habang hinihimas ang kanyang malaking tiyan na anumang oras ay liliit na iyon at masisilayan na niya ang kanilang panganay

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon