Chapter 57

856 74 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Matapos makasiguradong wala ng lalabas na mga aswang ay nagpasya na silang pumasok sa loob ng kweba

Dahan dahan silang naglalakad papasok sa kaloob looban, pero nakaabang sila at nakikiramdam sa maaaring sumalubong at umatake sa kanila

"Malapit na tayo," ani niya,"Naaamoy ko na ang mabangong amoy ng bulaklak,"

"Hmmmm, ang bango," ani pa ni Nena na napapikit pa habang inaamoy sa hangin ang amoy ng mabangong bulaklak

"Ang ganda naman dito," puna pa ni Kevib habang papasok sila sa kanang bahagi ng kweba

Nakakita sila ng mga ligaw na bulaklak doon habang papasok sila sa kanang bahagi kung saan nila naaamoy ang bulaklak

May parang sapang maliit kung saan dumadaloy ang malinis at malamig na tubig

Para iyong maliit na hardin kung titignan, kahit na nasa loob iyon ng kweba, namamangha sila dahil sa mga nagliliparamg mga paru-paru, tutubi at kung anu ano pang insekto doon

Napahinto sila ng makadinig sila ng mga ungol ng subukan nilang pumasok sa isang lagusan

"Sssshhh," mahabang senyas niya sa tatlo na nasa likuran niya

Agad tumahimik ang tatlo, siya naman ay pumasok at sumilip sa loob, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang mga aswang na nandoon

"Ang dami nila," bulalas ni Nena na nasa likuran na pala niya ito

"Nasa parang bundok na maliit ang mga bulaklak,"ani ni Bryan sabay turo sa mga iyon,"Kaso napapaikutan nila, paano na ito?,"

Nakita nga nila na medyo may kataasan ang kinalalagyan ng bulaklak

"Bago pa natin makuha iyan, hapunan na tayo," ani ni Kevin,"Marami na ang lumabas, pero hindi natin akalain na mas marami pala ang naiwan,"

Hindi na siya kumibo, pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwebang iyon, sa itaas ay may nakita siyang butas, kung saan tumatagos ang liwanag ng buwan

Sa bawat gilid ay wala silang mapagtataguan, makikita sila oras na bumaling ng tingin sa likuran ang mga iyon

Hindi nila makita ang mga itsura ng mga ito dahil nakatalikod sa kanila at mga nakayuko na tila may mga pinagkakaabalahan

"Maghiwa hiwalay tayo,"ani niya sa tatlo,"Kayo Kevin at Nena sa kaliwang bahagi, kami naman ni Bryan dito sa kanan,"

"Makakaya kaya natin ito?," tanong ni Bryan, na kinakabahan na

"Dasal nalang tayo," ani ni Nena habang nakapikit, kaya nag umpisa na silang magdasal

Habang nagdadasal ang tatlo ay palinga linga si Yuri, hindi na siya sumali sa pagdarasal ng tatlo na nakapikit pa

Naglakad siya ng pakunti kunti habang abala ang mga aswang at ganoon din ang tatlo na nagdarasal

Alam niya na pagagalitan siya ni Nena dahil sa ginawa niyang kabastusan dahil nagdarsal ang tatlo habang siya ay gumagala

Palinga linga siya habang naglalakad, hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga aswang kaya sinamantala na niya ang pagkakataon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon