Chapter 16

982 70 1
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Third Person's POV

Ala otso ng umaga

Hacienda Greco

"Tay, darating daw po si ate Mika," bungad ng bunsong anak ng mag asawang naninirahan ng tahimik sa Hacienda Greco

Kagaya nila ay halos bulag at pipi ang mga tao sa kanilang nakikita at nadidinig para din sa kanilang tahimik na pamumuhay

"Ha? Kailan darating?," takang tanong ng kanyang mga magulang

"Ngayong araw po, baka bago po magtanghalian ay nandito na po iyon," sagot niyang nakangiti sa mga ito,"At isang linggo daw po siya dito mamamalagi,"

"Sana nga," kinakabahang dasal at tugon ng kanyang mga magulang,"Salamat at matagal tagal din natin siya makakasama,"

Dahil alam nila na delikado ang daan papasok ng Hacienda, madilim, puro damo ang makikita,

Napapaligiran pa ng mga naglalakihang puno na namumunga na ng mga panahong iyon at mga puno ng niyog papasok mismo sa loob ng Hacienda kung saan sila nakatira

"Aabangan ko ang ate mo," ani nito sabay sukbit ng itak at naglakad na iyon palabas ng kanilang bahay

Nilakad pa ang isang mahabang daan kung saan papalabas ng Hacienda para mag abang ng tricycle palabas sa loob

Palinga linga siya dahil alam niya may nagmamasid sa kanya sa kung saan man

Ilang sandali pa ay isang tricycle ang huminto sa harapan niya, anak iyon ng kapitbahay nila

"Sasakay ka po ba, Mang Teban?," tanong nito sa kanya

"Oo, hanggang sa may kalsada lang," agad siyang sumakay sa loob para makaalis na doon sa tapat ng malaking bahay ng Don

"May hihintayin ka po ba?,"

"Oo, si Mika," tugon niya,"Darating ngayon araw, kaya aabangan ko na at baka madaming dala,"

"Ah," napatango nalang ito,"Sayang at may susunduin po ako sa Sitio Kilabot eh, kung wala sana ay sasamahan na po sana kita maghintay sa kanya,"

"Ah ganoon ba?," ani niya na ikinatango lang ng binata

Hanggang sa makarating na sila sa kalsada at ibinaba na siya doon, hindi na nito tinanggap ang kanyang bayad dahil ang katwiran nito ay papalabas ito sa kanila

Naupo nalang siya sa waiting shed habang hinhintay ang bus na sinasakyan ng kanilang panganay na anak na galing pa sa Lungsod

Doon kasi ito nakahanap ng magandang trabaho at miminsan nalang makauwi sa kanila

Ngayon makakasama nila iyon sa loob ng isang linggo

Habang umaandar ang oras ay kinakabahan naman siya dahil halos lagpas na tanghalian ay wala pa ang kanilang anak

Kinakabahan siya na hindi malaman, lumipas pa ang ilang oras hanggang sa mag alas kwatro na ng hapon

Napapailing nalang siya dahil sa hindi pagdating ng kanyang anak, dalangin niya sana bukas na ng unaga iyon umuwi

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon