@talatarot
Active NowFrom @leonalcantara:
Is there a problem? Why did you end the video call?From @talatarot:
I'm sorry. We will issue a refund.From @leonalcantara:
Why?From @talatarot:
May problema kasi. Hindi ko maipaliwanag ang cards na lumabas. Hindi ko maikonekta sa'yo.From @leonalcantara:
But I don't want a refund, I want my answers.From @talatarot:
Sorry, wala talaga. Hindi ko rin alam kung ano ang problema. Pangalawang beses pa lang nangyayari sa akin 'to.From @leonalcantara:
What do you mean?From @talatarot:
Hindi ito unang beses na wala akong mabasa o masilip na kahit ano sa mga baraha o sa tao. Pero hindi rin 'to palaging nangyayari. Sa'yo lang.From @leonalcantara:
You remember me?From @talatarot:
Oo. Naalala kita pagbukas ng video. Anak ka ni Mrs. Alcantara, 'di ba?From @leonalcantara:
Yes.From @talatarot:
Bakit ka nag-book ng appointment ngayon? 'Di ba tumakbo ka no'ng nakita mo ako?From @leonalcantara:
Naghahanap ako ng sagot.From @talatarot:
Ano'ng ibig mong sabihin sa "you"?From @leonalcantara:
Nasa panaginip kita. Gusto kong malaman kung bakit. Bigyan mo ako ng sagot.From @talatarot:
Ako? Bakit ako? Wala akong makita sa'yo, Leon...From @leonalcantara:
So you're a fraud?From @talatarot:
Ha?From @leonalcantara:
Fraud. Peke.From @leonalcantara:
"DM me to seek answers" but where? Nasa'n ang sagot?From @talatarot:
Ayaw kitang lokohin. Kaya kong ipaliwanag ng literal ang mga baraha. Pero hindi ko makita ang koneksyon nito sa'yo. Pati ako, hindi ko makita kung ano ang koneksyon ko sa'yo.From @leonalcantara:
Ah. So peke nga?From @talatarot:
Pwede bang tigilan mo ang pagtawag sa akin na peke? Ibabalik ko naman ang pera mo. Naging totoo naman ako sa'yo. Hindi ako diyos, may limitasyon ang kakayanan ko.From @talatarot:
Kung peke ako, baka ikaw stalker. Bakit nasa panaginip mo ako? Isang beses pa lang tayong nagkikita. Hindi kita kilala at hindi mo ako kilala para paratangan mo ako.From @leonalcantara:
I don't want my money back.From @talatarot:
Kung ayaw mo eh 'di 'wag. Sayang naman!From @leonalcantara:
Gusto ko lang matapos na 'to.From @leonalcantara:
Gusto ko lang malaman kung bakit ikaw.From @talatarot:
Hindi nga ho ako diyos.From @leonalcantara:
I'm re-booking.From @talatarot:
'Wag na. Magsasayang ka lang ng oras. Hindi kita mabasa, Leon. Noong una tayong nagkita hanggang ngayon, wala.From @leonalcantara:
Baka dapat personal. 'Yong tayong dalawa lang.From @talatarot:
Ba't ba mapilit ka?From @leonalcantara:
Dahil dati akala ko binuo ka lang ng imahinasyon ko, pero ngayon totoong tao ka.From @talatarot:
Paano ka nakakasiguradong ako 'yon?From @leonalcantara:
Because I memorized your features.From @leonalcantara:
But you are prettier in my dreams.From @talatarot:
Hambog ka 'no?From @leonalcantara:
What's "hambog"?From @talatarot:
Ikaw.From @leonalcantara:
I'm asking what it means.From @talatarot:
Hanapin mo.From @leonalcantara:
Okay. I will Google it later.From @leonalcantara:
Again, I am re-booking this appointment.From @talatarot:
Wala akong maipapangako na sagot sa'yo.From @leonalcantara:
Then I will stick with you until we figure it out.
BINABASA MO ANG
Piece of Your Heart
RomanceOf Gods and Mortals VII: (Pygmalion & Galatea) Just when she promised that her heart will only beat to keep her alive, he gives it another reason to function -- love.