EXT. APARTMENT — EVENING
Ilang beses nang kumatok si Galatea sa katapat na pinto ng apartment niya pero wala pa ring lumalabas mula rito. Gusto na nga lang niyang iwan ang susi sa ilalim ng pinto nito pero nakokonsensya siya na baka mawala ito kaya naghintay pa siya ng ilang minuto.
Inip na itinapik ni Galatea ang kanang paa niya sa sahig habang naghihintay. May narinig siyang paakyat ng hagdan kaya tumabi muna siya sa gilid. Hindi niya makita ang mukha ng tao na umaakyat dahil natatakpan ito ng dalawang kahon na yakap nito.
Napaatras siya nang huminto ito sa harap niya. Hindi niya pa rin nakikita ang mukha ng kaharap pero pinasadahan niya ng tingin ang suot nitong puting shirt, itim na maong at puting sneakers na kamukha ng ibinigay ni Leon sa kanya. Blanko nga lang ang suot ng kaharap niya kumpara sa bigay ni Leon na may disenyo pang iginuhit para lamang sa kanya.
GALATEA
Ikaw ba 'yung bago dito? Ito 'yung susi sa main gate.Casual na inabot ni Galatea ang susi pero hindi inilahad ng lalaking kaharap niya ang kamay nito. Naiinip na si Galatea at kanina niya pa gustong pumasok sa apartment niya pero hinintay niya munang maibaba nito ang mga kahon na dala.
Nakayuko ang lalaki habang itinatabi ang mga kahon sa gilid bago ito muling bumaling kay Galatea para ilahad ang kamay.
PYGMALION
My susi?GALATEA
I-ito...Nanginginig ang kamay ni Galatea habang ibinibigay ang susi sa kaharap na binata. Muling ngumiti si Leon sa harap niya kaya bago pa siya tuluyang mawala sa sarili, agad niyang binitiwan ang susi sa palad nito bago siya tumakbo papasok sa apartment niya.
Ano'ng ginagawa niya rito!?
BINABASA MO ANG
Piece of Your Heart
RomanceOf Gods and Mortals VII: (Pygmalion & Galatea) Just when she promised that her heart will only beat to keep her alive, he gives it another reason to function -- love.