EXT. SAMPALOC — EARLY MORNING
Bago pumunta sa Quiapo, idinaan nina Galatea ang scooter niya kay Poly pagkatapos siyang tulungan ni Leon. Ipinasok nito ang motor niya sa talyer habang sinusukat ito ng tingin ni Poly.
POLY
Syota mo?GALATEA
Hindi.CALYPSO
Selos ka?Tatawa silang tatlo bago lumabas ang lola ni Poly. Tititig ito kay Galatea nang matagal, tsaka ngingiti.
LOLA DORY
May telang pula na sa dulo ng daliri mo, hija.GALATEA
Po?LOLA DORY
Sabi ko sa'yo nahanap mo na.POLY
'Wag ka maniwala kay Lola.Hindi aalisin ng lola ni Poly ang tingin niya kay Galatea. Ngingisi ito at hahawak sa kamay niya.
LOLA DORY
Nandito ang kaduktong ng pulang linya.POLY
Ako ba, Lola?Muling tatawa si Poly at sisikuhin siya ni Galatea. Pipitikin ng lola niya ang noo ng apo at mapapangiwi ito habang nakikinig sina Calypso at Galatea bilang respeto rito.
Iiling ang lola ni Poly at lalabas si Leon mula sa talyer. Alangan siyang pepwesto sa tabi ni Galatea at titig sa kanya ang matanda na nanatiling nakatayo sa harap nilang apat.
LOLA DORY
Nahanap niyo na.Tatawa ang matanda at pakanta-kantang lalakad palayo sa kanila. Kunot-noong babaling si Leon kay Galatea pero nagkibit-balikat lang ang dalaga sa kanya.
GALATEA
'Wag mo nang pansinin.Tatango si Leon at tatagal ang tingin sa matandang kumakanta pa rin. Napaisip siya sa sinabi nito kanina habang pabalik-balik ang titig nito sa kanila ni Galatea.
Nahanap nila ang ano? Nalilitong isip niya habang naglalakad pabalik sa sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Piece of Your Heart
RomanceOf Gods and Mortals VII: (Pygmalion & Galatea) Just when she promised that her heart will only beat to keep her alive, he gives it another reason to function -- love.