LXXXIII.

79 6 0
                                    

Pygmalion Noel Alcantara
Active Now

SAT 8:26 PM

Pygmalion Noel Alcantara
I'm sorry. You didn't deserve that.

Pygmalion Noel Alcantara
Where are you?

Pygmalion Noel Alcantara
Please let me see you. Nasa baba ako ng apartment.

Galatea Blanca Suarez
Nagpapahinga na ako, Leon. Umuwi ka na.

Pygmalion Noel Alcantara
I'm sorry.

Pygmalion Noel Alcantara
You got hurt because of me.

Galatea Blanca Suarez
Hindi mo kasalanan. 🙂

Galatea Blanca Suarez
Kasalanan ko kasi inilagay ko ang sarili ko sa kumplikadong sitwasyon.

Pygmalion Noel Alcantara
Altea, I know you're mad.

Galatea Blanca Suarez
Hindi ako galit. Pagod na ako magalit.

Galatea Blanca Suarez
Pagod na akong depensahan ang sarili ko.

Pygmalion Noel Alcantara
I will do that for you. Please, Altea.

Galatea Blanca Suarez
Leon, hindi mo naiintindihan.

Galatea Blanca Suarez
Hanggang kailan ko kailangan patunayan ang sarili ko? Lalo sa mga taong hindi naman ako kilala. Ayoko ng gano'ng pakiramdam.

Galatea Blanca Suarez
'Yung nanliliit ako kahit hindi naman dapat. Kontento naman ako sa kung ano'ng mayro'n ako pero kanina, pakiramdam ko kailangan kong maging higit sa kung sino ako para matanggap ako sa mundo mo.

Galatea Blanca Suarez
Hindi ko kaya 'yon. Ayokong magpanggap. Ayokong lokohin ang sarili ko.

Pygmalion Noel Alcantara
You don't have to do that with me. Wala kang kailangan ipaliwanag sa akin. You don't have to pretend with me, because I accept all that you are.

Galatea Blanca Suarez
Hindi lang naman tayo ang tao sa mundo mo.

Pygmalion Noel Alcantara
Bakit ba parang hiwalay tayo ng mundo? Last time I checked, pareho lang naman tayo.

Pygmalion Noel Alcantara
If that's not literal then let me adapt to your own take in your world.

Pygmalion Noel Alcantara
Let me close the distance between our status if you think it matters, because it doesn't.

Galatea Blanca Suarez
Hindi gano'n kadali 'yon.

Galatea Blanca Suarez
Ayaw kong i-asa sa iba ang magiging halaga ko.

Galatea Blanca Suarez
Salamat na lang sa lahat, Leon. Maikli, pero naging masaya ako kahit papaano.

Piece of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon