III.

168 7 0
                                    

Calypso Ilustrado
Active Now

SAT 4:45 AM

Calypso Ilustrado
Besh, huling arangkada na natin 'to ngayon na wala pang huli ha. Sa Lunes mayro'n na. Pagkatapos nun, tuwing Linggo na lang tayo pwede dito sa tent mo hanggang wala tayong nakukuhang permit.

Galatea Blanca Suarez
Oo, 'teh. Inaasikaso ko na.

Calypso Ilustrado
Tsaka mamaya raw, puntahan mo si Ka Nato. May mga insekto raw na lumalabas sa tenga.

Galatea Blanca Suarez
GAGA! ANO AKO? ALBULARYO? HINDI AKO BARANG HOY!

Galatea Blanca Suarez
Ano ang gagawin ko sa mga insekto sa katawan ni Ka Nato? Papatayin ko isa-isa gamit ang bolang crystal!?

Calypso Ilustrado
Sabi ko nga hindi mo na sakop 'yon. Eh gusto ni Aling Marie hulaan mo raw kung ano nangyayari at sino ang may sala.

Galatea Blanca Suarez
Kulam 'yan! Sige, daanan natin mamaya. Sinabi mo ba mas mahal ako kapag home service?

Calypso Ilustrado
Oo! Tsaka pa-merienda kako. Pumayag naman. 😂

Galatea Blanca Suarez
HAHAHA OKAY BUTI NAMAN

Galatea Blanca Suarez
Besh, daanan niyo na ako ni Poly dito ha? Nasira scooter ko eh. Mamaya pa raw aayusin ni Poly.

Calypso Ilustrado
Sige. Ipadaan ko 'yung tricycle.

Calypso Ilustrado
Si Mrs. Alcantara pala una mong client mamaya ha. Busy raw kasi siya bukas kaya ngayon na lang. Dala 'yung anak niyang kakauwi galing Paris.

Galatea Blanca Suarez
Oh sige. Priority talaga natin si Mrs. Alcantara. Malaki mag-tip 'yon. 😂

Calypso Ilustrado
Baka raw pati 'yung anak niya, pahulaan niya sa'yo mamaya.

Galatea Blanca Suarez
Besh, 'di ko kaya magkasunod. Alam niya naman 'yan. Sumasama pakiramdam ko 'pag sumisilip ako sa mga bagay na hindi dapat katulad ng hinaharap.

Calypso Ilustrado
Sinabi ko nga rin. Balak ata eh 'yung anak muna kung hindi mo sila kayang pagsabayin.

Galatea Blanca Suarez
Sige. Walang problema. ☺️

Piece of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon