EXT. QUIAPO — EARLY MORNING
Nakangiti si Galatea habang naglalakad papasok sa tent niya. Tapos na si Poly na mag-ayos dito kaya nagpaalam na itong babalik sa pagmemekaniko at mamaya na ulit susundo para sa kanila ni Calypso.
Masaya siya na makabalik muli sa usual niyang pwesto na noon ay araw-araw sa kanya lamang. Simula kasi nang maglabas ng bagong ordinansa ang mayor, isang beses sa isang linggo na lang siya pwede rito. Madalas, palipat-lipat sila ng pwesto kaya nagtitiyaga siya sa online reading kahit na hindi niya ito gaanong gusto. Iba pa rin kapag pisikal mong kaharap ang binabasa mong tao pero kailangan niyang kumita kaya lahat ng raket, papatulan niya.
GALATEA
Caly, schedule ko? Paki naman.CALYPSO
Isa lang kliyente mo buong araw.GALATEA
Huh?CALYPSO
Sorry, mare. Pambawi rin sa kita kasi.GALATEA
'Wag mong sabihing si—Umatras ang nakasilip na si Calypso sa bukana ng tent niya at napairap agad siya nang bumungad sa kanya ang hambog na lalaking anak ni Mrs. Alcantara. Narinig niya pa ang hagikgik ni Calypso sa likod nito kaya lalo siyang nainis.
Nadaan na naman sa pera ang best friend at sekretarya niya pero hindi niya ito masisi. Mababa talaga ang kita nila nitong mga nakaraang araw at payag naman siyang subukan lahat ng gimik na pwede, maliban sa hambog na 'to.
GALATEA
'Di ba tinanggihan na kita?Nakapamaywang siya sa harap nito habang tahimik itong nagmamasid sa loob ng maliit niyang tent. Hindi ito kumibo hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa kanya.
PYGMALION
I told you that I will stick with you until we figure this out.GALATEA
Bakit? Dedede ka ba sa akin?Humagalpak ng tawa si Calypso habang nanunuod sa kanilang dalawa. Sinamaan siya ng tingin ni Galatea at gusto niyang sabunutan ito ngayon. Kung hindi ba naman mukhang pera ang kaibigan niya tulad niya ay wala sana silang problema ngayon.
PYGMALION
What do you mean? Dede? Like boobs?Napakagat siya sa labi niya. Gusto niyang sabayan ang halakhak ni Calypso dahil litong-lito ang lalaki sa gitna nila ngayon.
Panay ang Ingles nito pero napansin niyang mahina ito sa Tagalog. Nga naman, hindi mo talaga masusukat ang talino ng tao sa lenggwahe. Aanhin naman nito ang pagiging matatas sa Ingles kung hindi naman makaintindi ng sariling wika?
GALATEA
Ewan ko sa'yo. Umalis ka nang damuho ka. Mamalasin na naman ako sa'yo!PYGMALION
But I'm all you have today?Inosente itong tumitig sa kanya, hindi makaramdam na kanina niya pa ayaw ang presensya nito at gusto na siyang itaboy. Hindi niya alam kung kahambugan pa rin ba ito o talagang hindi lang nito maintindihan ang irita niya.
PYGMALION
I already paid. Your secretary already has the check.Sumimangot si Galatea sa narinig. Napalunok si Calypso at sinalubong ang tingin ng matalik na kaibigan. Inilahad ni Galatea ang palad niya sa harap nito, senyales na hinihingi niya ang cheke na tinutukoy ng malas na nakatayo sa harap niya.
Dahan-dahang inilabas ni Calypso ang cheke pero ayaw niya itong bitiwan habang pilit na kinukuha ni Galatea sa kamay niya. Binilangan siya nito kaya malungkot niyang pinakawalan ang sampung libo na kanina ay abot-kamay na sana nilang magkaibigan.
GALATEA
Kunin mo 'to tapos umalis ka na.PYGMALION
But this is money? Ten thousand in a snap.Nagpintig ang tainga ni Galatea sa narinig. Alam niyang mukha siyang pera at naiintindihan niyang pinapaikot nito ang mundo pero may limitasyon ito para sa kanya. Ayaw niyang makulong dito. Ayaw niya ang pakiramdam na parang hindi siya pwedeng tumanggi o magkaro'n ng sariling pagpipilian dahil lang sa pera.
Higit sa lahat, ayaw niya na parang ipinahiwatig nito na simple lang ang trabaho niya. Na ganito siya kabilis kikita ng sampung libo na para bang hindi niya ito pinaghirapan.
GALATEA
Alis.PYGMALION
What did I do?GALATEA
Umalis ka.Matalim niyang binalingan ng tingin ang kaharap at agad na pumagitna si Calypso sa kanila. Hinila nito ang hambog na malas dahil kabisado na nito si Galatea at alam niyang galit talaga ang kaibigan. Alam niyang nainsulto ito sa usaping pera at sa pahiwatig na parang minamaliit ang ginagawa nilang trabaho.
PYGMALION
Is your friend mad?CALYPSO
Syempre.PYGMALION
You guys are so weird.Hindi na nakapagpigil si Calypso at siya na mismo ang nagbato ng mga dahon na gamit niya sa herbal na itinitinda habang naglalakad ang binata palayo.
CALYPSO
'Wag ka nang babalik dito, babarangin kita!
BINABASA MO ANG
Piece of Your Heart
RomanceOf Gods and Mortals VII: (Pygmalion & Galatea) Just when she promised that her heart will only beat to keep her alive, he gives it another reason to function -- love.