CXXXVII.

78 2 0
                                    

poor daw
Active Now

WED 8:52 PM

Polyphemus Salazar
Nag-i-inom kami ni Leon.

Galatea Blanca Suarez
Hay nakooo 😡

Polyphemus Salazar
Chill na inom lang. Kausap niya kuya niya kanina.

Polyphemus Salazar
Nagpunta pala sa inyo ni Caly?

Calypso Ilustrado
Oo. Gustong mag-sorry. Pinaalis ako nag-message ako na 'wag nang bumalik.

Polyphemus Salazar
Naiinis si Leon kasi napipilitan lang daw 'yung kuya niya.

Calypso Ilustrado
Sabi na eh! Sabi pa niya kanina, mag-so-sorry siya sa atin nang walang cheke sa susunod. Pero alam kong hindi siya sincere.

Galatea Blanca Suarez
Ayaw pa rin nun sa atin. Hindi naman ganito kabilis na matatanggap niya agad tayo. Lalo ako.

Calypso Ilustrado
Ba't ba galit na galit 'yon sa mahirap? Inaano ba siya!?

Polyphemus Salazar
Baka ayaw lang mahaluan 'yung lahi nila. 😂

Calypso Ilustrado
Tangi wala naman sa genes 'yon!

Galatea Blanca Suarez
Mababa lang siguro ang tingin niya sa mga kagaya natin. Gano'n talaga, 'di ba? Kapag hindi mo kapantay.

Polyphemus Salazar
Hindi naman tayo mababa. Masyado lang silang mataas.

Galatea Blanca Suarez
Hindi na 'yon mahalaga sa akin. Mararangal naman tayong tao. Wala akong dapat ikahiya sa estado ng buhay na mayro'n tayo, na mayro'n ako.

Galatea Blanca Suarez
Wala na. Dahil kayo at si Leon lang naman ang kailangang tumanggap sa akin.

Galatea Blanca Suarez
Sapat na 'yon. Wala na akong kailangan patunayan pa sa ibang tao. 🙂

Piece of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon