EXT. SAMPALOC — EARLY MORNING
Noong Huwebes pa hindi mapakali si Leon simula nang marinig niya ang sinabi ng matanda'ng lola ni Poly. Kuryoso siya sa kung ano ang tinutukoy nito na nahanap na nila habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Galatea kaya nagpanggap siyang babalik lamang para sa scooter, kahit ang totoong pakay niya ay ang muling makausap ito.
LOLA DORY
Walang katapusang paghahanap ng sagot.Napalingon si Leon nang marinig ang matanda. Tumitig ito sa kanya at bahagya siyang napaatras nang bigla itong ngumiti na para bang hawak nito ang lahat ng sagot sa mga tanong niya.
LOLA DORY
Nahanap mo na, 'di ba?PYGMALION
Po?LOLA DORY
Isang bato at isang manlilikha. Huhulmahin mo ang kapareha ng pulang tela.PYGMALION
Wha—I mean, ano pong tela? Like tulad po ng kay Altea?Makahulugan siyang hahawakan ng matanda sa kamay. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan kaya kunot-noo siyang nakaharap dito.
LOLA DORY
Managinip kang muli, hijo. Siya ang sagot sa lahat ng katanungan at paghahanap. Siya ang simula at katapusan na hinahanap mo.PYGMALION
I don't understand—LOLA DORY
Managinip ka.Nalilitong naiwan si Leon nang bitiwan nang matanda ang kamay niya at bigla na lamang siyang tinalikuran. Sinubukan niyang humabol pero nagtago ito habang paulit-ulit na isinisigaw na hindi siya kilala, wala nang matandaan sa mga sinabi nito sa binata.
Imbis tuloy na makuha ang nais niyang sagot, mas lalo pang naguluhan si Leon dahil sa mga palaisipan nito.
Why would she ask him to dream? For what?
BINABASA MO ANG
Piece of Your Heart
RomanceOf Gods and Mortals VII: (Pygmalion & Galatea) Just when she promised that her heart will only beat to keep her alive, he gives it another reason to function -- love.