CXL.

87 3 0
                                    

@talatarot
Active Now

From @talatarot:
Hello, Altea 'to.

From @talatarot:
Ano 'yon, Mr. Alcantara?

From @odysseusalcantara:
Altea, may I set an appointment with you? So we can talk personally.

From @talatarot:
Busy ako, Mr. Alcantara. Baka pwedeng 'yong sasabihin mo, dito na lang. Kaysa bigyan kita ng oportunidad na ipahiya ako.

From @odysseusalcantara:
Fine.

From @odysseusalcantara:
Since I cannot change Leon's mind, wala naman akong magagawa. Nand'yan ka na.

From @odysseusalcantara:
But I just wish to say something.

From @odysseusalcantara:
Please don't hurt my brother.

From @odysseusalcantara:
Leon grew up sheltered. Tahimik na tao ang kapatid ko, hindi mahilig makipag-usap sa iba kaya lumaking walang kaibigan. He's always in his little bubble and that's why he fell in love with art. It gives him peace and it lets him be alone.

From @odysseusalcantara:
I honestly do not understand what he sees in you. And I'm not saying this to insult you. But for so long, Leon liked being alone. Until his curiosity got the best of him, until you.

From @odysseusalcantara:
Dati, Leon has a simple concept of things. It's just black and white for him. Oo kung oo, hindi kung hindi. He's frank, too. Kasi akala niya, simple lang lahat ng bagay. 'Pag may tanong, may sagot. 'Pag gusto niya, 'pag wala siyang nakikitang mali, dapat pwede. Hindi niya naiintindihan na maraming komplikadong konsepto sa mundo.

From @odysseusalcantara:
That's why he keeps fighting for you. Kasi to him, it's just as simple as never letting your status nor money define what you both feel. He doesn't understand why it matters. Why it's a big deal that you are different.

From @talatarot:
Leon grew up sheltered, yes. He's frank and has simple concept of things as well. Tama ka ro'n. Hindi niya nga naintindihan no'ng una kung bakit ako nagalit sa cheke na dala niya. Pero alam mo kung ano ang nagustuhan ko sa kanya? Lahat 'yan. He may seem sheltered but he doesn't close his eyes to other people's struggles. Inosente pero hindi tanga dahil alam niya, dahil kaya niya. Dahil gusto niyang umunawa. At kung may hindi siya naiintindihan? Tinatanggap niya ang pagkukulang niya at handa siyang matuto.

From @talatarot:
Pero higit sa lahat, alam mo kung bakit espesyal si Leon? Hindi siya madamot. Hindi niya kami tinignan na iba sa kanya. Siguro no'ng una. Pero no'ng naintindihan niya? Wala siyang ginawa kung hindi tanggapin kami, ako. Kasi alam mo? Hindi naman talaga malaking bagay pagkakaiba namin. Totoo namang pera lang ang pinagkaiba.

From @talatarot:
At siguro akala niyo, mahal niya 'yung art niya dahil hinahayaan siya nitong mapag-isa. Pero alam mo, Mr. Alcantara, baka ang totoo, do'n lang talaga niya nararamdaman na hindi siya mag-isa.

From @talatarot:
Hindi na mag-isa si Leon ngayon.

From @talatarot:
May mga kaibigan na siya. Nandito na rin ako.

From @talatarot:
He doesn't have to be alone in his little bubble now.

From @talatarot:
Oo, hindi ko maipapangako sa'yo na perpekto ako at hindi ko siya masasaktan. Pero ang maipapangako ko, malinis ang intensyon ko sa kapatid mo.

From @talatarot:
At hindi ako magmamakaawa para maniwala kayo sa akin, para maniwala ka sa akin. Sinasabi ko lang 'to para alam mo. Dahil maaaring totoong pera ang nagpapaikot sa maraming bagay rito sa mundo, pero hindi sa pagmamahal. Alam ko na 'yon ngayon.

From @talatarot:
At aaminin ko, nasaktan ako na ang baba ng tingin niyo sa akin. Pero naisip ko, wala naman kayong ambag sa buhay ko para paikutin ko ang mga desisyon ko sa mga opinyon niyo. Kaya ito na ang huling sasabihin ko sa'yo, Mr. Alcantara. Gusto ko ang kapatid mo. Ayos lang sa akin kahit paulit-ulit niyo akong maliitin, basta alam ko ang halaga ko kay Leon. Basta alam ko ang halaga ko sa mga mahal ko at sa sarili ko mismo. 'Yon lang ang importante sa akin.

From @odysseusalcantara:
I'm sorry, Altea.

From @talatarot:
Hindi mo kailangan mag-sorry, Mr. Alcantara. Ako pa rin 'to. Buo pa rin ako kahit ano pa ang maging tingin niyo sa akin. 🙂

Piece of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon