XLIV.

101 8 0
                                    

EXT. QUIAPO — AFTERNOON

Tumayo si Galatea para banatin ang mga buto niya pagkatapos umalis ng huling customer nila para sa araw na 'to. Si Leon naman ay nakaupo pa rin at nagbibilang ng pera sa lata na hawak. Malaki ang kinita nila dahil higit na marami ang mga tao sa Quiapo tuwing araw ng Linggo pero naglabas siya ng ilang asul na bills mula sa wallet niya at patagong dinagdagan pa ito.

Ilang beses na rin siyang nagdagdag ng pera bago niya ibinibigay kay Galatea ang lata na lalagyan nito dahil ayaw niya na masayang ang pagod nito. Naisip niya na kahit sa ganitong paraan, nakakatulong siya rito habang tinuturuan siya nito sa buhay.

GALATEA
Leon, alam mo... subukan ko kaya ulit na hulaan ka ngayon?

PYGMALION
Okay, sure.

GALATEA
Dito ka maupo.

Itinuro ni Galatea ang upuan sa harap ng mesa niya bago siya bumalik sa pwesto niya. Inilapag niya ang tarot cards sa ibabaw at ininguso ito kay Leon.

GALATEA
Cut mo. Left hand.

PYGMALION
Why?

GALATEA
Mas malapit sa puso 'yung kaliwang kamay. Mas sincere 'yung intentions 'pag 'yun ang ginamit mo. Cut mo na.

PYGMALION
I've always thought na it's just random. Your clients never ask kasi.

GALATEA
Karamihan ng customers ko, alam na 'yan.

Pinaghiwalay sa tatlo ni Leon ang mga baraha. Muli itong pinagsama-sama ni Galatea bago naglatag ng tatlong cards sa harap niya. Binasa ni Leon ang pangalan sa bawat baraha: moon, wheel of fortune, at lovers. Lahat nasa normal na pwesto kumpara sa ibang nakikita niyang latag ni Galatea kung saan may nakabaliktad na baraha.

Inangat ni Leon ang tingin niya kay Galatea na nakatitig sa baraha. Alam na niya ang ginagawa nito. Nakikipag-usap ito sa mga baraha at hinihintay kung may ibubulong sa kanya kaya hinayaan lang siya ni Leon at hindi inistorbo.

Ilang minuto rin silang tahimik hanggang sa hinawakan ni Galatea ang kamay niya. Papalit-palit ang tingin nito sa baraha at binatang kaharap. Hindi na blanko ang nakikita niya pero magulo ito. Madilim. Malabo ngunit biglang lilinaw. Mukha ng babae. Mukha niya.

GALATEA
Panaginip, kapalaran, pag-ibig...

PYGMALION
What?

GALATEA
Literal na ibig sabihin ng mga baraha. Hindi ko pa rin maipaliwanag kung ano ang koneksyon ng mga kahulugan na 'yan sa'yo. Pero may nakikita na ako...

PYGMALION
What do you see?

GALATEA
Ako, Leon. May telang pula sa dulo ng daliri ko.

PYGMALION
You?

GALATEA
At ikaw. Sa dulo ng telang pula. Nando'n ka. Tayong dalawa.

Kunot-noo mapapatingin si Leon. Makikita niya ang paglunok ng babae sa harap niya. Ang lito sa mga mata nito. Ang takot. Gusto niya sana itong tanungin pa pero bigla na lamang nawalan ng malay sa harap niya si Galatea kaya nagmamadali siyang tumayo para alalayan ito.

Sumigaw siya para tawagin si Calypso habang buhat niya ang dalaga. Sa unang pagkakataon, naunawaan niya na mas importante ang babae'ng buhat niya kaysa sa sagot na gusto niyang malaman.

Piece of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon