" Oh My Gosh! Oh my Gosh! Oh my gosh!" tuwang tuwang pambungad sakin ni Reine
" Hey!" bati ko dito
" Ikaw babae ka ha! Bakit di ka man lang nagpa alam sakin na aalis kana? Kung hindi ka pa nakita ni Ken sa Book Store ay di ka talaga magpaparamdam? At kelan mo balak sagutin yung mga emails ko aber?" sunod sunod na lintanya ni Reine sakin
Nagkunwari nalang ako na nabibingi at tinatakpan yung tenga ko pero deep inside ay naiiyak ako na makita sya ulit at tuwang tuwa ako sa pagkikita namin. Sobrang na- miss ko kaya sya.
" Easy ka lang okay? Relax, Hayaan mo muna ko magpaliwanag pwede?"
" Sige Bigyan mo ko ng matinding paliwanag kung bakit mo to nagawa samin specially sakin." matapang nitong sagot sa kabilang linya.
Sinimulan ko ikwento sakanya yung mga nangyari. Mula dun sa pag tawag ni Jhean sakin hanggang dun sa Kidnapping Kuno na ginawa ko. Ipinaliwanag ko sakanya na biglaan lang yung lahat kaya di ako nakapag pa alam sakanila. Laking tuwa ko naman na habang nag kwekwento ako ay nakamasid lang sya sakin sa kabilang linya at naghihintay sa bawat sasabihin ko.
" Alam mo namang mapagkakatiwalaan mo ko diba? You're my best friend at parang kapatid narin kita kaya hindi mo kailangang maglihim sakin. You know that I'm always here to support you naman diba?"
Nagbuntong hininga ako bago sumagot. " Yeah, Alam ko naman na nandyan ka for me pero ayoko namang laging umaasa sa inyo.. sayo. Ayoko na mandamay pa ng iba, Kasi ito naman talaga yung kailangan at dapat kong gawin diba?"
" Naiintindihan ko naman. Nagulat lang talaga ako na bigla kang nawala at nag aalala narin at the same time. Hindi ko kasi alam kung ano bang nangyari sa'yo."
" Sorry na talaga Reine. Promise babawi ako."
" Dapat lang no!"
" Maiba tayo, wala ka bang pasok ngayon?"Natigilan sya bago nagsalita. " Oh My Gosh Lhean! May lakad nga pala kami ni Rylie My loves ngayon. Gosh! Late na ko."
" Sabi na nga ba eh. Oh sya sige umalis kana at baka galit na yun at for sure galit na talaga."
" Thank you Lhee.. Tawagan ulit kita mamaya ha? Marami pa tayong dapat pag usapan. Bye!"
Tumango ako sa kanya at nag pa- alam. I-end ko yung call ng skype at pinatay yung laptop. Napag isipan ko kasi yung mga sinabi sakin ni Ken kahapon. Tama nga naman sya, sigurado akong nag aalala na sila sakin dahil hindi man lanag ako nakapag paalam sakanila at umalis ng walang pasabi.Sinimulan kong ayusin yung mga gamit ko. Mula kasi nung umalis ako ay di ko na ulit nagagalaw yung mga gamit na naiwan ko dito. Pinilit ko kasing libangin yung sarili ko at kalimutan ang lahat. Nag paka busy ako at pinilit na makahabol sa Sem na to.
Iilang piraso lang naman yung dala kong gamit nung bumalik ako dito at yung mga importante lang talaga yung binitbit ko. Sinimulan kong ayusin at ligpitin yung mga gamit na dala ko. Nang ililigpit ko na yung mga damit sa Cabinet ay natigilan ako sa nakita ko. Eto yun... yung Couple Shirt na pinilit kong ipasuot sakanya noon... Yung damit na soot namin noong huli naming pagsasama.
BINABASA MO ANG
Pure love ( Sweetest DownFall )
RomanceLove is really so powerful right? Yes it is. Lhean is just a typical normal girl. Simple, mabait, mapagmahal sa pamilya lalo na sa kaisa- isa nyang kapatid. Pero hanggang saan kaya sya kayang dalhin ng pagmamahal na yan? Lalo na kung ang kanyang s...