Chapter 13

68 7 4
                                    

Matagal tagal narin pala simula ng makabalik ako dito sa Pilipinas. I admit na sobrang nahihirapan na ko sa mga desisyon at mga realizations ko these past few days. Marami akong nalaman at natutunan sa buhay. Marami akong naramdaman na sobrang nagpasaya sakin pero nakapag pa worry sakin at the same time. Tama pa ba tong ginagawa ko? Should I continue? Or just end this and move on?

Hindi ko alam kung ano bang desisyon na gagawin ko. Yung kapatid ko na nasa ibang bansa na di man lang tumatawag para magbalita kung ano na bang progress o nangyayari sakanya. Naging successful ba yung operation? Ano na kayang nagyari sakanya?

After nung Wedding nung Grandparents ni Andrei ay hindi na muli kami nakapag usap. Di naman sa magka away o nag iiwasan kami, kailangan nya kasing pumuntang U.S kasama yung Grandparents nya dahil may kailngan daw silang asikasuhin about dun sa Business nila at family "thingy" daw. Two Months sya dun kaya medyo matagal tagal din kaming di nagkikita o nagkaka usap. Nung una ay tumatawag pa sya pero nitong mga nakaraang araw ay wala akong natatanggap na tawag mula sakanya. Baka nga "busy" lang sya at may kailangang asikasuhin kaya di nakakatawag. Tska wala naman syang obligasyon sakin kasi di naman ako yung totoong Girlfriend nya eh.

 

" Oo nga malapit na nga ako. Nasan ka ba? Kanina pa ko naghahanap eh." sumbat ko sa kausap ko. " San ba malapit?  Ha? Oo nakikita ko na, malapit na nga ako." dali dali akong lumakad palapit sa Restaurant na sinasabi ni Reine at pumasok dito. 

" Jhean! I'm here!" sigaw nya at turo kung saan sya nakapwesto. Naglakad na ko patungo sakanya at umupo sa harap nya.  " So Reisha Jane, Anong agenda mo at tinawagan mo ko para paghadaliin na pumunta dito ng di man lang ako tinatawagan at nagpaparamdam sakin ng ilang araw?!" angil ko sakanya 

" Easy girl. Relax. Paano ako makakapag kwento sayo kung di mo man lang ako pagpapaliwanagin aber?"  katwiran naman nito. Nakakatampo naman kasi eh. Kaibigan nya ko pero ni- paramdam sakin o text kung nasan sya o okay ba sya di man lang nya nagawa? nag aalala kaya ko sakanya. Tinatawagan ko sya pero cannot be reach ang loka. Jusko paano ba naman akong di mag aalala eh yung huling kita ko dyan sa babaeng yan eh parang pinag sakluban ng langit at lupa.

Kinalma ko yung sarili ko at hinarap sya. " Okay, Spill it Reisha Jane at siguraduhin mong valid yang reason mo kundi kakalbuhin kita!"  

" Haha! Ano ba girl, nakakatakot ka ah? Dinaig mo pa si Mommy jan sa reaction mo. Yung totoo? Ikaw ba yung tunay na mommy ko?" pagbibiro pa nito. Teka nga, akala ba nito di ko sya kakalbuhin? " Hoy Reisha Jane di ako nagbibiro dito ah, kakalbuhin talaga kita at sisiguraduhin kong walang matitira dyan sa maganda mong buhok!" 

" Oo na po. Sorry na friend. Di ko naman sinasadya na di mag pa alam o magparamdam sayo eh. Sorry na talaga okay? Promise ikwekwento ko yung nangyari ng walang labis at kulang." Tumango ako sakanya para makapag umpisa na sya. Grabe lang kasi yung pag aalala ko dito sa babaeng ito kung alam nya lang.

" Bago ko umpisahan yung kwento, Let me show you this." sabay pakita nya nung daliri nya. Teka? bakit may ring? Kelan nya pa binili yun? Maganda ah.. Pero bakit nasa Ring finger yung singsing? Di kaya? 

" Omygooooosssshhh!! Reine!! Tama ba yung iniisip ko? Ikakasal kana? Pero teka, sino yung groom?! Anong reason ng pagpapakasal mo? Buntis ka ba? Sinong ama?!" histerical kong reaksyon

"Ano ka ba jhean! Can you please calm down?! nakakahiya ka. Ang raming tao dito for Pete's sake!" pagpipigil sakin nito. 

Tumigil naman ako at di parin makapaniwala sa nakita ko. " So, buntis ka nga? Sinong Ama?!" binatukan naman ako nito bigla bigla. " Anong buntis ka dyan?! Hindi no! Ang dumi ng isip mo ah.. Anong akala mo sakin? Magpapakasal lang dahil nabuntis? Grabe ka naman." 

" Eh? Bakit ka magpapakasal? Magkwento ka nga dali!" 

Sinimulan nya na yung pagkwekwento at mas nabigla ako sa sinabi nya.  

" Ganito kasi yun, mula kasi nung araw na hinatid mo ko sa bahay nun di na ako pinakita o pinaka-usap nila kuya kay Rylie. Nilayo nila ko sakanya dahil sa ginawa nya sakin at alam mo namang napak over protective ng mga kapatid ko na yun isama mo pa si Kuya Charlie.  Then nung sinama ako nila Mommy the next day sa birthday party nung anak nung ninang ko dun na nga nangayari. Bigla nya nalang ako hinila at sinakay sa kotse nung nagkaroon sya ng pagkakataon na makalapit sakin. Dinala nya ko sa Townhouse nila sa Batangas para daw makapag usap kami ng maayos at makapag paliwanag sya." nanatili akong nakatingin sakanya at naghihintay ng susunod nyang sasabihin. " So, tapos? Anong nangyari? Wag kanang pa-suspense pa."  inip kong sabi 

" Ganun nga yung nangyari, nakapag usap kami at nakapag paliwanag sya sakin ng maayos at nalaman ko yung side nya. "

" Eh panong nangyari yang singsing chuchu na yan?" nagtataka kong tanong. Di pa kasi sabihin in detailed eh. " Relax ka lang. Yun nga, Nalaman ko na matagal narin pala syang may gusto sakin simula pa noong 6 years old. Nung nag 14 kami,  kinausap  nya si Daddy na liligawan nya ko dati pero sabi ni Daddy mga bata pa kami nun at mag aral muna syang mabuti para may ibuhay sya sakin at may mapatunayan." 

" Kaya ba umalis sya noon ng walang paalam?" yun kasi yung pagkakawento nya sakin noon. " Oo yun pala yung dahilan nya nun kaya sya biglang umalis ng walang paalam sakin. Nalaman ko din na kaya pala walang nangliligaw sakin noon kasi pinabantayan nya ko sa mga kaibigan nya kasama  na dun si Kendrick at Kuya Charlie na pinsan ko. All this time pala he cares for me and he loves me more than I know. Nung maka graduate sya ng high school sa U.S umuwi na sya at dahil ipinamana sakanya ng Grandparents nya yung lahat ng Ari- arian nila. Nung ma-finalize na yung mga documents umuwi na sya dito at dun nya na ulit kinausap si Daddy. Kaya pala ang lakas ng loob mag propose kasi nahingi nya na yung blessings ng parents ko pero in one condition daw, dapat daw makapag tapos muna kami ng pag aaral at wag muna silang bibigyan ng apo kagad haha."

" Omygod Friend, Grabe di ko akalain na ganun pala si Rylie. Ang swerte nyong dalawa at I'm very happy for the both of you. I'll support you nmo matter what okay? Yiee! I'm really happy Reine!" sabay hug ko sakanya

" Kaya wag kana mag tampo okay? Di ko naman intention na di ka kontakin lalo na kung alam kong mag pro-propose na si Rylie sakin di pwedeng di ka kasama dun no!"

" Nagtatampo padin ako, pero di na sayo. Kailangan ko pa kausapin si Rylie your loves eh."

" Yieeh! Ikaw talaga, sabi ko na di mo ko matitiis eh." pangungulit pa nito " I know right! Haha!"

Nag kwentuhan pa kami hanggang sa napag desisyunan na namin umuwi. Tinawagan na kasi si Reine ng Prince Charming nya na may lakad pa sila at dahil dumating narin yung Future "Inlaws" ni Reine.

" Sure kang ayaw mong sumabay sakin? Hahatid ka na namin." pangungulit ulit nito

" Okay lang ako no. I can manage, Ikaw kailngan mo pang mag pa beauty dahil mag kikita na kayo ng in-laws mo kay gora kana. Yung Prince Charming mo hinihintay kana!"

" Sige ingat ka nalang sa pag uwi ah? Magtext ka okay?"

"Sure thing! Bye!"

Umalis na nga si Reine at nag aabang na ko ng taxi ng biglang nag vibrate yung cellphone ko. Hello?" sagot ko sa tawag. "Di naman ako busy, ngayon na ba? Sige papunta na."  Si katrina pala. Bakit kaya sya napatawag? May problema kaya? Si Andrei ba? Jusko wag naman sana..


---------------------

Pure love ( Sweetest DownFall )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon