Chapter 10

101 6 1
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa Starbucks at nilalaro yung inorder kong Mocha Frappe habang hinihintay sya. Natetense ako at di ako mapalagay kaya pilit kong kinakalma ang sarili ko para narin makapag isip ng maayos. Naisipan kong dito nalang kami magkita malapit sa area kung nasan sya. Di talaga ako mapapalagay kung di ko sya makakausap kasi alam kong sya lang ang malalapitan ko at makakatulong sakin ngayon.

“ Hey! “ sabi nya sabay upo sa harap ng table ko

“ Ano bang pag uusapan natin at nag mamadali kang Makita ako? Kung nami-mis mo lang ako pwede namang --“

“ It's not what you think okay? Geez… Bakit ba kasi ikaw yung tinawagan ko?” Pagpigil ko sa sasabihin nya dahil mukhang iba na naman yung iniisip ng mokong na to eh.

Siguro kung nasa ibang sitwasyon kami ay nabatukan ko na tong mokong na to. Kitang seryoso ako dito kung ano anong pinag iisip. Huminga ako ng malalim at sinimulang magsalita.

" Where's Rylie? Nakita mo ba sya? Nasan sya? " 

" Seriously Lhean? Pinapunta mo ko dito para lang itanong kung nasaan si Rylie?! You're impossible.." inis nyang sabi  

Tinignan ko sya sa mata para malaman nyang seryoso ako. “ Kendrick.. I need your help..” sabi ko habang nakatingin parin sakanya ng seryoso.

“ Woah.. First time mo kong tawagin sa pangalan ko ah? Lagi kasing Mr. Piso  ang tawag mo sakin kaya nakakagulat talaga. “

Tinignan ko sya ng masama para tumigil na sya sa pag bibiro. Importante tong sasabihin ko at wala akong time magbiro sa ngayon.

“ Chill! Masyado ka namang seryoso dyan. Okay, Ano bang sasabihin mo? Spill it..”

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. I hope na makakatulong nga sya.

“ It's about Reine and Rylie..”

 “ Oh Ano namang meron sa kanila? At ano namang kinalaman ko dun?”

 “ Look.. There's a problem.. A big problem I think?”

" So kung meron ngang problema sakanila eh anong kinalaman ko dun?"

" Can you just shut up and Listen?!" 

 “ Okay, I will listen. What happen?”

 “  Rylie said that she loves Reine.” Panimula ko

“ Anong Problema dun? Eh matagal ko ng alam na mahal ni Rylie si Reine eh..”

“ You said that you can listen right? Pwede bang patapusin mo muna ako sa pagsasalita?!”

“ Okay, okay..  Im sorry for interrupting. Continue..”

Tinignan ko lang sya at nang Makita ko na handa na tlaga sya making sakin ay tska ako nagpatuloy sa pag sasalita

 " Just like what I have said sinabi nga ni Rylie na mahal nya si Reine. Oo alam ko naman yun at kita ko na may something nga sa bawat tingin sa kaibigan ko. But the thing is,  He said that he loves Reine but he even said that they can't be together. Tell me Kendrick..  Pinag tritripan nya ba yung kaibigan ko? Pinaglalaruan nya lang ba si Reine? Tell me.."

" So that's it? Yan na ba yung problemang sinasabi mo?"

" Anong that's it that's it ka dyan! Ano bang klaseng kaibigan ka at ganyan lang marereact mo? Wala ka bang concern man lang sakanila?!"

" Pwede bang hinaan mo yang boses mo? Nasa public place tayo kaya pakihinaan yung volume. Look Jhean, Kung ano mang problema na nangyayari sakanila ngayon ay sa tingin ko labas na tayo dun. Di tayo pwede makisawsaw nalang basta basta sakanila kasi unang una di natin alam kung ano ba talagang nangyari. I know that Rylie has reasons kaya nangyari to."

" Reasons? Anong klaseng reason na meron sya?! Napaka unfair naman ng reason na yan! "

" Alam ko kung gaano kamahal ni Rylie si Reine simula pa noon. Nandoon ako at kitang kita ko kung paano nya tignan si Reine. Lalaki ako Jhean kaya alam ko kung ano ang ibig sabihin ng bawat tingin nya. Kahit di nya sabihin pero nakikita ko naman, di ako bulag. Kaya kung may makaka ayos sa problema nuila sila lang yun at di tayo kasama dun. Nandito lang tayo para suportahan sila. Hayaan mo sila. Malalaki na sila, alam kong concern ka lang sa kaibigan mo pero kaibigan ko din si Reisha at kaibigan ko din si Rylie kaya please just let them fix their own Problem. You're just making things complicated. Ang sarap pa naman ng tulog ko tapos inistorbo mo ko para lang dito? Tsss.."

Tumayo na sya at iniwan akong tulala. Tama nga naman sya. Di dapat ako nakikialam sa problema nila. Personal nila yun kaya dapat inisip ko muna kung saan ako lulugar bago ako maki alam.  Siguro nga masyado lang akong napaparanoid. 

May kwenta din pala kausap si Mr. Piso infairness..  May point lahat ng sinabi nya. I just don't want to see my friend hurting. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigan na gaya ni Reine na napalapit na talaga sakin. She's like my sister aside kay Jhean ay tinuturing ko na din syang kapatid kong tunay. 

Pero ngayon tama na siguro tong pag iisip ko sakanila. Siguro nga may reason si Rylie kung bakit nya nasabi yun. For now on, I will just comfort Reine.

Nag decide na kong ayusin yung gamit ko para maka alis na ng mag vibrate yung cellphone ko.

From: Andrei

" Hey Babe! I miss you.. Sunduin kita bukas after Class ah?.. I Love You.."

My Gosh! Muntik ko na palang makalimutan kung bakit ako nandito. Bakit ba pinoproblema ko yung problema ng iba eh may mas malaki pa kong problema na dapat asikasuhin? Bakit ba nawala sa isip ko yun? Geeezzz... 

Tumayo na ko at binuhat yung bag ko at lumabas na ng Shop. I think kailangan ko ng umuwi. I had a long day and it's too tiring in Physical and Emotional aspects. Kailangan ko pa mag isip kung paano ako makikiharap ulit bukas kay Andrei. I need to freshen up my mind. I need to rest. And I need to think and think.

---

Pure love ( Sweetest DownFall )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon