Chapter 3

185 10 0
                                    

Lhean


Paglabas ko ng Airport, sumakay ako sa Taxi.


 "Good afternoon Mam, San po kayo? " sabi ni Manong driver

 "Dyan lang po sa Eastwood Subdivision" sagot ko

Habang nasa byahe pauwi sa bahay, na familiarize ko lahat ng mga dinadaanan na lugar. Ang mga lugar kung saan ako nagka isip at natutong tumakbo kasama ang kapatid ko. Kung saan ako natutong maglakad, magsulat, tumawa, maging masaya at kung saan ako naging mahina noon.

Ang mga lugar na lagi naming pinupuntahan ng aming pamilya. Mga lugar na puno ng mga happy memories. Ang mga lugar na humubog ng pagkatao ko, ang mga lugar sa nakaraan ko na special para sakin.

Habang nasa traffic, Isang batang umiiyak ang naka agaw ng pansin ko.

"Mommy.., uwaaaah! Mommy!!" iyak ng iyak ang bata s may park. Siguro nawala ung bata at kasama nya ung mommy nya.


Ilang minuto lang ay nakita ko ang isang babae na mukhang alalang-alala at yumakap sa batang umiiyak. 

"Jing nandyan ka lang pala,  kaninang kanina pa kita hinahanap, San ka ba nagsususuot ? Pinag aalala mo ko ng sobra anak. "

 " Mommy...? " sabay tingin nya sa taong nagsalita "Moooooooommmmy!" niyakap nung bata yung mommy nya at lalo syang naiyak.

 "Ssh.. baby dont cry, Mommy is here na okay? tara uwi na tayo. " tapos naglakad na sila palayo

 

Habang pinapanood ko yung mag nanay hindi ko namalayan na tumutulo na rin ung luha ko. Buti pa yung bata kasama nya na yung mommy nya. Buti pa sya makakasama nya pa..

 Oo nga pala, Isa rin sa reason ko kung bakit ayoko bumalik dito sa Pilipinas  is because of what happened 10 years ago. Ang araw na nagpabago sa buhay ko,. sa buong buhay ko...

 Flashback

Birthday ni Daddy and they decided to go out of town. Ice-celebrate daw namin yung birthday ni Daddy kaya lahat excited talaga. Pumunta kami sa isang beach resort sa Batangas. Friend ni daddy yung may ari nito, gift nya daw kay daddy kasi daw sobrang workaholic nito at walang time para magbakasyon. Family bonding narin daw para makabawi samin si daddy..


Sa Beach

 

"Mommy! Daddy! Tara na po let's swim" sabi ko. Excited na excited kasi ako kasi minsan lang magkaron ng free time si Daddy tska excited talaga ako mag swimming sa beach.

"Mommy tara na! Let's swim na kasi, tara na po!" sabi ko habang hila hila si mommy.

"Wait lang baby, kunin ko lang yung sunblock sa cottage at tatawagin ko din si jhean. Be good okay? Wag pupunta sa malayo." sabi ni mommy

"Okay po Mommy, basta make it fast ah?!" she smiled at me as a reply.

Dahil sa sobrang excited ako nagswim na ko.. hindi ko na hinintay sila mommy.. habang nag eenjoy ako sa tubig at pumupulot ng mga shells, nakakita ako ng floating jar. Hinabol ko yun kasi napapanuod ko sa tv na meron daw genie sa loob nun at pwede kang magwish.

Curious talaga ako, dahil sa bata pa ko at fairytale ang lagi kong pinapanood, hinabol ko yung jar sa may tubig, wala akong alam sa difference ng fairytale at reality, basta ang alam ko  life is full of magic. Chance ko na to para makahingi ng pwde kong gift kay daddy.  Wala kasi ako money eh, aside sa birthday card na ginawa namin ni jhee, gusto ko pa syang bigyan ng gift. Habol ako ng habol dun sa jar at di ko namalayan nasa malalim na ko at hndi ko na abot ung sa ibaba. Gusto ko sumigaw pero nalulunod na ko , pero kailangan kong humingi ng tulong.

Pure love ( Sweetest DownFall )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon