" Jheaaan bilisan mo naman. Kanina pa sila nandun tayo nalang kaya yung inaantay." sigaw ni Reine sakin. " Oo nandyan na. Kahit naman magmadali ako o hindi magkikita kita parin naman tayo. Tss..".
" Kaya nga bilisan na natin para magkita kita na tayo. Baka mamaya may umaaligid ng mga Hipon dun sa Fiancee' ko."
Hay naku. Ang sarap pa ng tulog ko ang aga aga mambulabog nitong babaeng to. May lakad pala kami di man lang ako tinext o sinabihan ng mas maaga. Kaya ngayon ako yung pinagmamadali ng bruha.
Di nalang ako kumibo at sumakay na sa sasakyan. Pagka ayos ko ng mga gamit ko natulog na ko ulit. Eh bakit ba? 2am na ko natulog tapos 3AM darating yung kaibigan mo para gisingin ka dahil may lakad daw kayo. Kaya eto tulog.
-------
Dahan dahan kong idinilat yung dalawang mata ko ng makaramdam ako ng init ng sinag sa may mukha ko. Tinignan ko yung paligid at dali dali akong bumangon ng makita kong nasa ibang lugar ako. Teka? Bakit wala ako sa kwarto ko? Iginala ko yung paningin ko sa kwarto kung nasan ako at nakumpirma ko nga na wala ako sa kwarto ko.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Maganda yung place at napaka refreshing nung hangin at nakaka relax naman yung paligid. Parang nasa probinsya ako? Or should I say na parang beach resort to. Beach Resort? Ay oo nga. Nandito na pala kami sa sinasabi ni Reine na pupuntahan daw namin. Teka? Nasan na kaya sila?
Naglakad lakad ako hanggang sa nakita ko sila Reine na nasa Cottage at kasalukuyang nag aayos ng mga pagkain.
" Good Morning Jhean!" bati nito sakin. Lumapit ako sakanya at tinulungan sya sa pag hahanda ng mga pinggan. " Di na kita ginising kasi mukhang masarap yung tulog mo eh." nakangiti nitong sabi.
" Boys! Halina kayo dito kumain na tayo. Our Lunch is Ready Mamaya na yan." sigaw ni Reine.
Maya maya lang ay nakita ko na yung mga kasama namin na Tumatakbo palapit dito sa gawi namin. Nandito pala sila Kuya Charlie at yung mga ka- band nya. Nagsi- upo na sila at kanya kanyang kuha ng pagkain.
" Wow ang sarap naman ng mga pagkian. Sino nagluto?" sabi ni kuya charlie
" Sino pa ba? Syempre yung Prinsesa ko." singit ni Rylie
" Hoy Rylie mula nung sinagot ka nyang pinsan ko naging asukal kana ah? Nako kung ganyan pala nagagawa nyang pagibig na yan mukhang ayoko na sumubok. Tsk ang corny!"
" Nako Charlie wag kag magsalita ng tapos dyan! Baka mas malala ka pa kung nagkataon."
"Hahahaha! Kadiri no!"
Tinapos na namin yung pagkain namin at napag desisyunan nila na mag kayaking at kung ano ano pang activities ng Resort na mai-ooffer like snorkeling etc.
Nilibot namin yung buong Resort at tin-ry yung mga activities nila dito. I admit na sobrang masaya maranasan yung mga ganitong bagay kasi first time ko to lahat. Nang matapos na namin lahat ng activities ay bumalik na kami sa Cottage at nagsiliguan na sa Beach. Naging abala ang lovers na sina Reine at Rylie sa pagluluto ng mga pagkain namin at di nila ako pinatulong. Yung ibang boys naman ay bumili sa bayan ng iba pang pagkain at pwedeng iluto at ipasalubong para may madala kami pauwi sa Manila.
Kaya eto ako ngayon naglalakad sa may tabing dagat at Ineexplore yung beach ng mag isa. Masarap at masaya sa pakiramdam na napaka peaceful sa lugar na ito. Ang ganda tignan ng mga alon na payapang umaagos na para bang walang problema. Puro kalayaan lang na di iniintindi kung saan babangga, Kung saan malaya silang umaagos at nakikisayaw sa bawat ihip ng hangin. Ang ganda nila pagmasdan dahil punong puno sila ng kalayaan. Walang hassle sa buhay basta puro kalayaan lang.
BINABASA MO ANG
Pure love ( Sweetest DownFall )
RomanceLove is really so powerful right? Yes it is. Lhean is just a typical normal girl. Simple, mabait, mapagmahal sa pamilya lalo na sa kaisa- isa nyang kapatid. Pero hanggang saan kaya sya kayang dalhin ng pagmamahal na yan? Lalo na kung ang kanyang s...