Chapter 14

81 7 3
                                    


Nang tinawagan ako ni Katrina, dali dali akong umuwi sa bahay kung saan nandun sya. Hindi ko alam kung bakit sya biglang napatawag sakin na di nya naman madalas gawin. Siguro kay Jhean madalas nyang kausap si Katrina kaya di na iba sakanya yung ganito. Ilang minuto lang nakarating na ko sa bahay at bumaba na ng taxi.  Mabilis kong binuksan yung gate at di na nag atubiling mag doorbell kasi may susi naman ako.

Pumasok ako sa bahay at pumunta sa Living Room. Nakita ko si Katrina na nakaupo sa sofa at nag babasa ng magazine. 

" Hello Katrina, Kanina ka pa?" Bungad ko sakanya.  " Hindi naman Ate, Kararating ko lang din. Sorry kung naistorbo kita ah?" sagot nito. " Naku di naman. Teka, kumain ka na ba?" tanong ko habang nilalapag yung gamit ko. " Tapos na Ate. Thankyou". 

" Ah ganun ba? Tara akyat tayo sa kwarto. Para makapag usap tayo ng maayos." paanyaya ko sakanya. " Sure ka ba ate?".  may pagka gulat nitong tanong. " Oo naman, tska para may  privacy tayo. Tara?" 

Umakyat na kami sa kwarto at para bang ingat na ingat sya sa pagpasok at mukhang di komportable. " Feel at home okay? Relax ka lang dyan and feel comfortable." 

"Okay Ate." nakangiti nyang sagot. " Bakit ka nga pala biglang napatawag, may nangyari ba?" nagtataka kong tanong.  " Wala naman Ate. Malapit na kasi Birthday ni Kuya Andrei kaya naisip ko i-surprise sya. At dahil wala sya dito mas maaasikaso natin ng maayos diba? Can you please help me?" saad nito. Teka? Birthday ni Andrei? Anong petsa na ba ngayon at di ko alam? Jusko sa linggo na pala yun.  " Sure pwedeng pwede ako tumulong. No problem." 

" Really Ate? Yieepieee! Tamang tama uuwi na sya sa linggo saktong sakto na birthday nya. Yieee na eexcite na ko!" 

Nagsimula na kami magplano ng  maaring surprise para kay Andrei. Grabe pala yung imagination ng batang ito at napaka raming suggestions. Pero infairness naman nakakatuwa yung suggestion nya at siguradong makaka tulong talaga.

" Yan ate kumpleto na yung list ng gagawin natin, may nakalimutan pa ba tayo?"  sabi nya at inisa-isa ulit yung mga nasa listahan. " Yay alam ko na kung ano yung kulang! Sa dinarami-rami ba naman bakit yun pa yung nakalimutan ko!"  

" Eh ano pa ba yung kulang?  Mukhang kumpleto na naman ah?" pag che-check ko ng mga nasa listahan. " Hindi ate eh, yung Cake! Yung cake wala pa tayo!" 

"Sus, akala ko kung ano na. Ako na bahala dun sa cake, marunong ako mag bake." 

"Seryoso ka Ate? Wow! Ang swerte nga naman ni kuya! Ate pwede bang favor?" 

"Haha ikaw talaga, Sige ano ba yang favor mo?" 

"Turuan mo din akong mag bake pwede?" pangungulit nito

" Yun lang ba? Oo naman." sagot ko dito

" Talaga?! Yiee I so love you na talaga ate!!" sabay yakap pa nito sakin

" Bakit ba gusto mong matuto mag bake? Dahil ba kay Tyrone?" 

Biglang namula yung mukha niya at nahiya. " Eh— ate naman, kasi ano—" 

"Haha Sige tuturuan na kita. Gusto mo na bang simulan ngayon? Bake tayo ng cupcakes, alam ko meron pa kong ingredients dun sa kitchen eh. "

"Sige ba! Tara na ate simulan na yan!" dali dali nyang inayos yung sarili nya at inakay na ko pababa sa kusina. Ang kulit talaga nitong batang to pero nakakatuwa rin naman.

—  Ting —

" Ayan ate tumunog na! Ibig sabihin luto na?" excited na tanong nito

Pure love ( Sweetest DownFall )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon