" Grabe ang saya pala sumakay sa mga ganun no?"
" Oo naman. Sabi ko sayo eh, aaya- ayaw ka pa kasi dyan"
" Eh di naman kasi katiwa- tiwala yung tali na yun tska yung bolang umiikot na yun. Tss "
" Atleast nag enjoy ka naman diba?"
" Yeah right."
Nandito kami ngayon sa Sky Ranch dito parin sa tagaytay. Kanina pa kami sumasakay sa mga rides dito kasi yung kasama ko dito ay parang bata. Simula nung nakasakay sa zipline at natuto harapin yung fears nya sa heights ay paulit ulit nagyayaya mag rides.
" Tara punta tayo dun!" turo ko sa may Souvenir Shop sa may kanto.
Hindi ko na sya hinintay na sumagod kasi hinatak ko na sya dun sa may Shop. Bale di naman talaga sya Souvenir Shop para lang syang tiangge na may iba't ibang gamit at memorabilia na binebenta.
Maraming tao ang nandito ngayon na sigurado ay namimili para may dalhing pasalubong, pag luwas ulit nila sa Maynila o kung saan ba sila nakatira.
" Kailangan ba talaga to?" di mapakali nyang sabi sakin
" Oo naman. Nakasoot na kaya yung sakin yung sayo nalang yung kulang kaya isoot mo na " nakangiti kong sabi
" Di ba parang.. Medyo Corny? Alam mo na.. "
" Ayaw mo ba? Corny ba talaga? Sige wag mo nalang gawin." Sabi ko sabay talikod sa kanya at sinimulan ng maglakad
Kanina ko pa kasi syang pinipilit na isoot yung shirt na nakita ko. Couple shirt actually. Nang pumunta kasi kami dito sa Souvenir Shop kanina ay ito yung dalawang shirt na sobrang nagustuhan ko.
Panda kasi yung design nung dalawang shirt. Yung kay Andrei ay panda tapos sa lower part nung shirt ay may nakasulat na " Do you love me?" tapos dun naman sa shirt ko ay panda din yung design at may nakasulat din sa lower part na " Yes, I love you."
Gandang ganda kasi ako dun sa design nung shirt kasi simple lang pero sobrang cute nya lalong lalo na yung dalawang panda.
Naramdaman ko nalang na may pumigil sa kamay ko.
" Hey Babe.. Wait lang please? Look at me.." sabi nito
Di ko sya tinignan kasi nakakatampo eh. Nakipag pakiusapan pa kaya ako dun sa babae para lang ibigay nya sakin yung shirt kasi nauna syang makuha yung couple shirt. Nag effort kaya ako ng sobra tapos sasabihan nya lang ng corny yung pag so-soot ng Couple shirt? Ang sweet kaya!
" Look at me please?" iniharap nya ko sakanya at napangiti nalang ako sa nakita ko.
" Isosoot mo rin pala ang rami pang arte eh." Natutuwa kong sabi
" Okay lang ba?" nahihiyang tanong nya
" Oo kaya! Ang cute cute mo nga dyan sa soot mo eh. Lalo kang gu-mwapo sa paningin ko Promise!" sabay pisil ko sa pisngi nya. Ang cute cute kasi eh.
" Alam kong gwapo ako, nadamay lang tong shirt na to sa ka-gwapuhan ko."
Hinampas ko sya sa braso dahil sa sobrang hangin pati utak yata nasobrahan, Napasukan yata ng husto sa mga rides na sinakyan namin sa Sky Ranch at Zipline kanina.
" Ang yabang talaga! Wooh! Ang hangin "
Parehas nalang kaming nagtawanan sa usapan namin. Nagsimula pa ulit kaming mamili ng mga keychains, shirts at kung ano ano pang pwedeng souvenir na bilhin sa shop.
BINABASA MO ANG
Pure love ( Sweetest DownFall )
RomansaLove is really so powerful right? Yes it is. Lhean is just a typical normal girl. Simple, mabait, mapagmahal sa pamilya lalo na sa kaisa- isa nyang kapatid. Pero hanggang saan kaya sya kayang dalhin ng pagmamahal na yan? Lalo na kung ang kanyang s...