" Dad?.." mahina kong tanong.
Tinitigan nya ko at umiwas ng tingin. Namiss ko sya. It's been 10 long years mula ng magkita kami. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero di ko magawa. Hindi ko sya kaya tignan. Hindi ko kaya kasi naiiyak ako. Naiiyak ako kasi wala akong magawa, marami akong gustong sabihin sa kanya pero ni isa wala akong masabi. Naging tahimik lang kami ng ilang sandali dahil pawang naiilang kami parehas sa sitwasyon. Nanatili lang akong nakayuko at di makapag salita.
" I'm sorry.." sambit nito
Napa- angat ako ng tingin sakanya. Matagal na panahon na simula ng marinig ko yung boses nya.
" I'm really sorry my Princess.. I'm really sorry for not being that brave to stand para sa inyong dalawa ni Jhean. I'm really sorry kung wala akong nagawa at kailangan mong maranasan lahat ng ito."
Yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan ay nagsimula ng kumawala. Nag unahan ang mga itong pumatak at hindi ko na mapigilan pang humagulgol.
" I'm really sorry. Sorry kung wala akong nagawa para ipagtanggol ka. Patawarin mo ko anak kung napabayaan kita. Patawarin mo ko kung hindi ko nagampanan yung pagiging Daddy ko sa'yo.. sa inyong magkapatid. "
Umiling ako at niyakap sya ng mahigpit. Ang tagal kong pinag darasal na dumating yung araw na to. Yung araw na muli kaming magkakasama at magkikita. Lalo pang di ko napigilan yung paghagulgol ko ng maramdam ko ang pag aalo nya sakin at ang mga bisig nyang yumayakap sakin.
" Just like the old times, Yung iyakin kong princess na laging tumatakbo sakin para lang makahingi ng yakap. My little baby is now a beautiful lady."
" Si Daddy talaga oh.."
" Please forgive me anak, bigyan mo ko ng pangalawang pagkakataon para maging daddy sayo. Para bumawi sa lahat ng pagkukulang ko."
Tumango ako bilang sagot. Sana hindi na matapos tong moment na to. Lahat ng kirot sa dibdib ko ay unti unti ng nawawala. Lahat ng lungkot at pangungulila sa puso ko ay napapalitan na ng saya at pagmamahal mula kay Daddy. Tahimki lang akong nakasandal kay daddy at hinihintay naing maubos yung kandila na inalay namin kay Mommy.
" D-dad?"
" Yes?"
" Can I ask something?"
" Anything baby.."
" Ako ba talaga yung reason kung bakit namatay si Mommy? Matagal ko na rin kasi itong gusto itanong sa inyo."
Tumahimik si Daddy at nag isip bago nagsalita." No Baby. Hindi ikaw yung dahilan."
" H-ha? Paanong hindi ako? Pero diba sabi ni Lolo.."
" It's just a mistake. Akala namin ay yung pagkalunod yung naging reason ng pagkamatay nya. Late na namin nalaman na may sakit pala yung Mommy mo. Itinago nya sa ating lahat yung sakit nya kasi ayaw nyang masaktan tayo lalo na kayo kasi mga bata pa kayo that time. Nalaman namin na may sakit sya sa puso at nasa critical stage na sya, hindi na uubra ang kahit na ano mang operasyon. Noon akala ko yung mga iniinom nyang meds ay vitamins lang kasi yunyung sabi nya pero nagkamali ako. Umiinom pala sya ng gamot para ma- lessen yung sakit na nararamdaman nya and that accident happen. Yung araw pala na yun ay ang huling araw ng palugit sakanya ng doctor."
BINABASA MO ANG
Pure love ( Sweetest DownFall )
DragosteLove is really so powerful right? Yes it is. Lhean is just a typical normal girl. Simple, mabait, mapagmahal sa pamilya lalo na sa kaisa- isa nyang kapatid. Pero hanggang saan kaya sya kayang dalhin ng pagmamahal na yan? Lalo na kung ang kanyang s...