Kanina pa ko nahihilo kakahanap kung saang lupalop ng University nag tatago yung Thesis Leader namin. Kailangan na daw kasi i - compile yung mga assigned report namin pero di ko mahanap kung nasaan ba yun. Shemay ang sakit na kaya ng paa ko. Buti nalang talaga naka flats ako kung hindi.. Jusko kawawa naman yung paa ko.
" Jheaaaaaan!!" narinig kong tawag sakin ng kung sino mang nasa malayo
Nagpalinga linga ako para makita kung sino yung tumawag at eto nga nakita ko yung isang girl na tumatakbo papunta sakin.
" Uy Maxene ikaw pala, Bakit?" bati ko sakanya na kagroup ko sa Report namin
" Hay nakung babae ka kanina pa kita hinahanap. San kaba nag pupupunta?"
" Ha? Hinahanap ko kasi si Kelly eh. Bibigay ko sana tong Report ko. Mag co-compile na daw kasi sya. Tinatawagan ko nga di naman sinasagot. Nakita mo ba?"
" Kaya nga din kita hinahanap eh. Nagtext kasi sya sakin na di sya makakapasok today kasi may Emergency daw sa bahay nila. Sabi nya tayo nalang daw yung mag compile ng mga report."
" Ah ganun ba? Pano yung report nya?"
" Nai-send nya na sa email ko. Pati si Chamie nakapag send na, ikaw nalang yung kulang kaya naku tara na para matapos na natin yung pag co-compile. Marami rami din yun baka maabutan pa tayo ng siyam siyam."
Napagdesisyunan namin na sa School Cafe nalang pumunta at gawin yung compilation. Mas maganda narin dito para may privacy kami at may libreng access ng Internet para kung may idadagdag sa report ay madali kaming makakapag research. Naghanap kami ng mauupuan at nakakita naman kami ng pwesto dun sa may sulok ng cafe kung san walang masyadong tao.
" Sabi sakin ni Kelly ay okay na daw yung topic nya kaya wala na tayong dapat pang i-edit sa gawa nya, pero basahin narin natin baka may maidagdag pa tayo sa gawa nya."
" Ah Sige. Nasan ba yung Topic nya para mabasa ko na?"
" Naka-save na sa documents ko sa Laptop ako ng bahala dun. Yung kay Chamie nalang siguro yung una nating tignan baka sakaling may ma edit tayo. Teka kumain ka na ba Jhean? Tara order na tayo bago tayo magsimula. Anong sayo?" tanong nito
" Busog pa naman ako Max, Choco shake nalang siguro yung sakin " sabay abot ko ng bayad
" Sure ka yun lang yung sayo? Baka mamaya magutom ka "
" Naku okay lang ako. Order nalang ako mamaya ulit kapag nakaramdam ako ng gutom. Thankyou "
" Sige ikaw bahala "
Nagpunta na nga sya sa counter para umorder. Binuksan ko naman yung report ni Chams at sinimulan ko ng basahin. Habang busy ako sa pagbabasa ay di ko namalayan na nakabalik na pala si Max dala yung mga order namin.
" Jusko Max tingin ko marami pa tayong dapat i-edit sa gawa ni Chams sa topic nya. Di kasi detailed eh. Tignan mo " Sabay bigay ko sakanya ng laptop
" Si Chams talaga, Hay naku napakarami pa nating gagawin tuloy ngayon. "
" Ako nalang yung mag eedit nung kay Chams tapos papakita ko nalang sayo kung tama ba yung ginawa ko. Pakitingin nalang din yung gawa ko kung may mali at dapat pang i-revise pwede? "
" Nice idea Jhean. Tara na nga simulan na natin ng makatapos ng maaga "
Naging busy naman kaming dalawa sa kanya kanyang gawain. Revise dito, revise doon. Edit dito, at edit doon ang ginawa namin. Di namin namalayan yung oras sa sobrang busy. Ni hindi nga kami nag uusap masyado depende nalang kung kailangan ng opinion sa ginagawa. Nag concentrate nalang kaming dalawa sa ginagawa namin hanggang sa natapos namin at napag compile na lahat ng reports.
BINABASA MO ANG
Pure love ( Sweetest DownFall )
RomanceLove is really so powerful right? Yes it is. Lhean is just a typical normal girl. Simple, mabait, mapagmahal sa pamilya lalo na sa kaisa- isa nyang kapatid. Pero hanggang saan kaya sya kayang dalhin ng pagmamahal na yan? Lalo na kung ang kanyang s...