"Jhean gising kana pala, Kain kana." Pambungad ni Manang sakin pagbaba ko sa kusina
"Tara po sabayan nyo na po ako. Sabay sabay na po tayo kumain "
"Kumain na kami.Ikaw kumain kana kain ka ng marami. Nandyan narin pala yung cake mo, naihanda ko na baka kasi makalimutan mo "
"Okay po. Thank you"
Nung matapos na ko kumain, hinatid na ko ni mang alfred sa school.
University
"Jheeeeeeaaaaan!"
Nasa corridor ako papunta sa room namen nung narinig ko yung boses ni Reine, Ang aga aga napaka hyper nya.
"Grabe ka naman makasigaw, ang aga aga ingay ingay mo na."
"Hehe! Sorry na, eh kasi kinikilig ako kagabi eh, si Rylie kasi."
"Oh ano na naman si Rylie at makangiti ka dyan wagas? "
"Naka online kasi ako kagabi, tapos nag 'hi' sya saken with matching smiley pa, waaaah!"
"Uy mag hunos dili ka nga dyan, ang raming nakakakita sayo. Tapos, ano nangyare?" tanong ko.
"Wala, nag-usap lang kami, kamustahan lang, eh tinawag na ko ni mommy for dinner kaya di na ko nakapag chat sakanya ng matagal." sabi nya ng malawak ang ngiti.
"Eh hindi pala kayo nakapag usap ng matagal eh, bakit abot tenga parin yang ngiti mo?"
"Eh kasi nung tapos na ko kumain at nung pag-akyat ko sa room ko, saktong may tumawag sakin na unknown number, nung sinagot ko its him! Kyaaaaaaah!"
"Wow naman. Ikaw na talaga."
"tapos di lang yun, in-invite nya pa ko na pumunta sa gig nila sa Saturday! Kyaaah! He invited me personally!"
"Kyaaaah! Kinikilig din ako para sayo. Tsaka, kahit naman di ka nya iinvite alam ko namang pupunta ka talaga."
"Oo naman no! Ako pa!"
Kwento lang siya ng kwento hanggang makarating kami sa room namin, dun kami umupo sa vacant seats. Natigil lang kami sa kwentuhan ng dumating na yung prof namin sa Oral communication.
Nag discuss lang si maam samin about dun sa background nung subject at nagpakilala rin yung mga transferee pero karamihan blockmates ko na pala dati kaya di na kami nagpakilala. Kilala nila ako pero ako hindi ko sila kilala kaya, go with the flow nalang.
Pagkatapos nung first class namin, dumating din yung mga professor namin sa ibang subjects at ganun din yung karamihan na ginawa, after that dismissal na kasi may faculty meeting daw ung mga professor kaya wala na kaming class ni Reine. Pumunta nalang kami sa mall, dun sa boutique nila Reine.
—Boutique—-
"Hey mom" sabay beso ni Reine kay tita.
Lumapit din ako kay tita at bumeso kay tita as a sign of respect.
"Oh bakit ang aga nyo? Don't tell me na first day of semester cutting class na kayo?" tanong ni tita.
"Mommy talaga. May faculty meeting po yung mga professors kaya dinismiss na kami kagad" ani ni Reine.
"Ah okay. Hey Jhee, how are you? You looks so pretty," sabi sakin ni tita.
"Ahm okay lang po tita. Thank you po, kayo din po sobrang pretty. Eto nga po pala for you" sabay abot ko nung box nung cake.
BINABASA MO ANG
Pure love ( Sweetest DownFall )
RomanceLove is really so powerful right? Yes it is. Lhean is just a typical normal girl. Simple, mabait, mapagmahal sa pamilya lalo na sa kaisa- isa nyang kapatid. Pero hanggang saan kaya sya kayang dalhin ng pagmamahal na yan? Lalo na kung ang kanyang s...