Chapter 8

161 13 8
                                    

—-Sunday—-


Maaga ako nagising ngayon kahit medyo puyat ako.. di naman kasi ako sanay mag puyat eh kasi sa france after school umuuwi kagad ako sa bahay. May social life naman ako pero di ko talaga hilig yung mga Night Parties na kahit usong uso yun sa France. May pagka Liberated yung mga tao dun at ganun din yung mga kaibigan ko  pero di pa din ako nahihilig sumama sa mga night outs nila kahit lagi nila akong niyayaya. Feeling ko nga nagtatampo na yung mga yun sakin eh kasi kada yaya nila sakin lagi akong tumatanggi sakanila, napakaraming reasons at excuses yung ginagawa ko para lang makatakas ako.


Isa rin talaga sa reason kung bakit maaga ako nagising ngayon kasi today is Sunday. It means ngayon daw kami magkikita ni Andrei sa so — called DATE daw namen at yung pagbawi namin sa isa't isa. and speaking of the Monster. Correction!  Super gwapong monster ay nagtext na nga sya.


From: Andrei

"Good morning Babe. Sunduin kita mamayang 6pm ah? Ngayon yung date natin at kailangan mo talagang bumawi remember? See you later. I love you.."


Grabe talaga, kinakabahan talaga ako para mamaya. Pano kung mahuli nya ko? Anong gagawin ko? Ano bang dapat at di ko dapat gawin? Oo close kami ng kapatid ko kahit magkalayo kami at kahit sa skype at facebook lang kami parati nag uusap pero di ko alam kung ano bang ugali nya sa boyfriend nya at kung paano say makiharap dito. Paano na yung kapatid ko? Pano na yung pagpapagaling nya? At speaking sa kapatid ko na binabaan ako ng cellphone sa huli naming pag uusap, hanggang ngayon di nya padin ako tinatawagan o nag tetext man lang. Haaay naku, Ano bang gagawin ko?


 Sa rami ng pumapasok sa isip ko at stress na stress na ko, naligo nalang ako at nagdesisyon na bumaba para mag almusal.


 "Good morning po manang" bati ko kay manang na nag hahain ng almusal.


"Oh Jhean, magandang umaga din. Halina't kumain ng almusal." sabi nya

 "Sige po. Salamat po. Kayo po ba kumain na?" sabi ko ng umupo na sa lamesa.

 "Tapos na kami hija. Sige mag almusal kana at ako'y mag aayos pa ng hardin at yung mga halaman ko eh ay baka magsilantahan." ani ni manang at naglakad papunta sa garden


 Mabilis naman akong natapos kumain at napag desisyunan ko na mag ikot ikot. Una pumunta muna ako sa Garden kung san nandoon si manang na naabutan ko na nagdidilig ng mga halaman.  Actually di naman  masyadong malaki tong bahay na tinitirahan ko ngayon. Kumpara sa bahay nila lola at doon sa bago naming bahay kung saan nakatira si Daddy ngayon eh maliit lang talaga tong bahay na to. Regalo kasi  ni Daddy kay Mommy para sa  anniversary nila at surprise nya dapat yung bahay na tinitirhan ni daddy ngayon  pero a week before ng anniversary nila na birthday nga ni daddy eh dun naman namatay si mommy.. na kasalan ko..


Ayaw tumira dito ni Daddy kasi wala din naman daw tong kwenta kasi wala dito si mommy  at habang nandito sya ay naaalala nya lang yung mga araw na nabubuhay pa sa mommy.. kaya si jhean nalang yung tumitira dito sa bahay kasi sayang naman daw kung walang titira. Mas gusto ni daddy sa bagong bahay na dapat titirhan namin kasi doon di nya masyado maaalala si mommy. Kaya heto ako ngayon dito nakatira sa Lumang bahay naming na punong puno ng mga alaala.


 Dahil nabobore ako at wala talaga akong magawa kinuha ko yung wallet ko sa kwarto ko at  lumabas nalang ako ng bahay at naglakad lakad sa subdivision namin. Ayos lang naman yung soot kong damit eh, naka Tshirt ako tapos naka tokong shorts kaya okay lang kasi kumportable naman to eh.

Pure love ( Sweetest DownFall )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon