Chapter One

307 86 192
                                    

1- The Meeting

Keana

Dinama ko ang hangin na nililipad ang aking buhok habang nakaupo mismo sa barandilya sa rooftop ng ospital. Hindi ako natatakot na mahulog, ni mamatay hindi. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang mga kamay na bumitiw sa barandilyang kinalalagyan at ibinuka ang aking mga braso na parang si Rose sa Titanic. Kulang nga lang ako ng Jack.

Isang minuto pa ang nakakaraan nang lumangitngit ang nag-iisang pinto sa rooftop- kasi isang elevator at pinto lang ang nandito- sanhi para mapalingon ako. Pumasok ang isang lalaki na busy sa kanyang dala-dalang cellphone kaya ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at tinuon ulit ang pansin sa harap para pagmasdan ang papalubog na araw. Ilang segundo o 'di kaya'y minuto pa ang natitira para masakop na ng dilim ang paligid.

The mixture of colors in the sunset brings peace inside me. It calmed me. It made me realized things, that my life is like a sunset. Because it's a sign that another chapter of my life ends and that the next day will be an another day that I'll continue fighting for my life. To breathe and continue living.

Hanggang sa nawala at napalitan na ang kalangitan nang mga nagki-kislapang bituin ay nakatingin pa rin ako roon at nakadipa pa rin ang mga kamay ko. Nakakangalay pero ayos lang. Minsan lang ako nakakaranas ng ganito dahil tumatakas lang ako para makarating dito.

Pero napatili ako nang wala sa oras nang may brasong pumulupot sa bewang ko at bumagsak ako sa katawan ng isang tao. Napahiga siya sa sahig habang nakapatong ako sa kanya. Aray, ang sakit no'n, panigurado. Pero...

"Hoy! Ano ba! Bakit mo ginawa 'yon?!" Singhal ko habang umaalis mula sa pagkakapatong sa kanya. Tumayo ako at inayos ang namuong gusot sa hospital gown ko. Ini-angat ko ang tingin ko sa kanya at nakitang siya ang pumasok na lalaki kanina. 'Di pa pala siya umalis? I shrugged off that question in my mind.

I glared at him when I noticed that he's not answering me while he's still lying on the floor and staring at me. Pero sumimangot siya kalaunan at inirapan ako 'saka tumayo. Aba! Nang-iirap. Inayos niya muna ang buhok niyang nagulo bago ako sinagot.

"Hoy din, pinoy ako! Buo aking loob-" Inirapan ko rin siya sa mais niyang joke at 'di ko na siya pinansin. Napaka-corny ng taong 'to, pinaglihi yata sa mais.

"Whatevah." Umalis na ako sa harapan niya at maglalakad na sana papunta sa pinto nang pinigilan niya ang braso ko 'saka humalakhak. Why is he laughing? Nagmukha tuloy siyang Chinese garter- I mean, Chinese, dahil nawala ang mga mata niya nang tumawa siya. Not literally na nawala, it's just that, singkit kasi siya.

Inirapan ko ulit siya at pwersahang binawi ang braso ko mula sa kanya, bago ako nag-pamewang sa harapan niya habang nakataas ang kanang kilay.

"Ano ba ang problema mo, ha, Mister? Kanina ka pa, ah." Kunot ang noong sabi ko sa kanya, mahihimigan ang inis sa boses ko. Instead, he just smiled at me showing his perfect set of teeth. Kainis. Parang pang-model ng toothpaste.

"Wala lang. Gusto lang kitang makausap." Nakangiting sagot niya sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko. Kumunot ang noo ko saglit dahil doon. Shit. Baka umaatake na naman ang sakit ko. Hindi ko pinahalata sa kanya ang nararamdaman kong 'yun 'saka siya inirapan, ulit. Baka mamuti na 'yung mata ko kaka-irap.

"Look, Mr.-Whoever-You-Are, hindi ko gets kung bakit bigla-bigla kang nanghila kanina habang payapa akong nakaupo-"

Nawala ang ngiti sa mukha niya at tinuro ang barandilya. "Anong payapa? Kanina pa kita pinagmamasdan do'n dahil baka ay makatulog at mahulog ka. Kaya kita hinila kasi napansin kong inaantok ka na-" pinutol ko siya sa pagsasalita dahil pinutol niya rin ako kanina. E'di kwits na kami.

Hapless Beings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon