9 - Pain
Keana
"Manang, magkano po ito?" tanong ni Jaxton sa nagtitinda ng mga barbecue. Nagdesisyon kaming kumain ulit sa isang plaza na medyo malayo sa pinanggalingan naming mall. Hindi halatang mahilig kami kumain.
"Ah, ito ba, hijo?" Sabay turo sa isang... parang spaghetti? Na nakatusok sa stick?
Palihim kong kinurot si Jaxton kaya inis siyang napalingon sa akin. "What's that?" I whispered at his ears. He just chuckled at my question. I frowned. Bakit ayaw niya sabihin?
"Limang piso lang iyang isaw," ay, isaw pala ang tawag do'n. Malay ko ba. Tinawanan lang ako ni Jaxton nang makita niyang napatango ako ng konti. Napa-irap ako dahil doon.
Kinuha ni Jax ang pera niya at ibibigay na sana sa nagtitinda nang pinigilan ko siya. "Ako na lang ang magbabayad, sayang naman 'yang pera mo. Pwede mo pa ipanggastos 'yan para sa school works mo." Mahinang sabi ko sa kanya sabay kuha ng fifty peso bill sa wallet ko at binigay sa ale.
"Pero ako 'yung lalaki at dapat-" napahinto siya sa pagsasalita nang samaan ko siya ng tingin. Napataas naman siya ng dalawang kamay na tila nagsusurrender.
"Hindi porket babae kami ay aasa kami na 'yung lalaki palagi ang magbabayad. Duh? We are all equal kaya, fair gano'n! Kung anong kayang gawin ng isang lalaki, kaya rin namin iyon, 'no. Gender equality, duh?" pangangaral ko pa habang nakapameywang. Maamong napatango-tango si Jaxton at nagsorry. Natawa bigla si manang kaya nagpeace-sign na lang ako sa kanya at hinigit si Jax paupo sa isang bench malapit sa puno.
Maganda ang pwestong kinatatayuan nila, nasa harapan ng isang bay. Sariwa ang hangin at hindi masyadong mausok. Kokonti lang din naman ang mga sasakyan na dumadaan kasi yung iba naglalakad lang o 'di kaya nag-ba-bike.
"Ton-ton, safe ba iyong pagkain na binili natin bago lang?" biglang naitanong ko sa kanya.
He looked at me ridiculously then bit his lower lip. Tumikhim siya at lumingon sa gilid at kalaunan... natawa.
'Ay, bwiset. Tinawanan lang ako. Nagtatanong ako ng maayos, eh.
"Ang lakas ng loob mong ikaw ang magbayad tapos 'di mo pala alam kung safe ba 'yun?" tumawa ulit siya tapos ay dinugtungan ang sinabi, "Safe 'yun, dadalhin ba kita rito kung hindi? Rito kasi kami madalas kumain ni Mama 'pag maggagabi na. Maganda kasi na habang kumakain ka, nakatanaw ka sa papalubog na araw." Hinawakan niya ang mukha ko at pilit inilingon para tumingin sa araw na papalubog na.
"Ang ganda," I mouthed breathlessly.
"Ang ganda nga." Nilingon ko si Jax at nakita ko siyang nakatitig din sa papalubog na araw. I thought that he's looking at me while saying those because that usually happens in the books that I read. Ang assuming ko rin minsan. Natawa ako ng mahina.
His face's illuminated by the yellow-orange color of the sunset. He looked so serene. I smiled at the sight of him then looked at the sun that's slowly going down.
Nag-uusap kami ng iba't ibang bagay habang kumakain kasi sa wakas ay natapos na rin ang pag-grill nito. Infairness, masarap siya lalo na 'pag may kanin na kasama. Tumatawa kami dahil kini-kwento niya sa akin ang mga pinaggagawa niya noon nang biglang tumunog ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Hapless Beings
Teen Fiction- short novel - *** Keana Maglasang, a girl who suffers from a heart disease, lives in a hospital since the day she's born and grew up with her foster mother who is also a doctor. Until a guy named Jaxton Alviza appears in her life whom she met in...