Chapter Three

203 74 151
                                    

3 - Struggles

Keana

It’s been a month since Jax and I became friends. Hindi pa rin niya alam ang tungkol sa sakit ko. Hindi rin naman siya nangahas na magtanong sa akin. Sasabihin ko naman, pero kung magtatanong siya. Maybe he thinks that he’s insensitive for asking me? I hope not.

Sa loob ng isang buwan din na iyon, palagi niya akong inaasar at naaasar naman ako. I’m not pikon. Nakakaasar lang talaga ang pagmumukha niya. At dahil din doon, nababatukan ko siya. Pasalamat nga siya at batok lang ‘yung makakaya ko, eh. Kung pwede lang sipain basta kaya ko, ayos na. Charot. Kaya ko naman, tinatamad lang ako, ‘saka masakit sa paa ko, ‘no.

And speaking of the devil, pumasok na naman siya sa kwarto ko. Nakagawian niya na itong gawin simula nang naging magkaibigan kami. Hindi siya marunong kumatok minsan, kagaya ngayon.

“Ginagawa mo rito?” Bagot na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa TV. May pinapanood akong documentary about sa history. And yes, I love history. May nalalaman kasi akong mga bagay tungkol sa nakaraan. History nga, ‘diba?

Imbes na sumagot ay tuloy-tuloy lang siyang pumasok at pumunta sa bedside table ko para kumuha ng mansanas.  Wow, mansanas mo iyan? Ni walang, “Pahingi ako, Friend, ha?” Diretso lang kung kumuha.

“Hoy! Pumunta ka lang ba dito para magnakaw ng mansanas? Akin na–” Naputol ang pagsasalita ko nang tumalikod siya sa akin at lumabas sa kwarto ko.

“Anak ng–!” I murmured, irritated at him.

Aba! Ang kapal ng mukha para manguha ng mansanas nang walang paalam. I mean, nakita ko naman siya na kumuha pero hindi pa rin siya nagpaalam. I glared at the door where Jax left and focused on watching instead. But seconds later, may narinig akong kumatok.

Napa-irap ako sa kawalan nang bumukas ang pintuan at pumasok ulit ang nakangising si Jax. Humalakhak siya pagkatapos ay umupo sa hospital bed ko. Asar akong bumaling sa kanya nang maramdaman kong tumunog ang hospital bed nang makaupo siya.

“Bumaba ka nga! Lumipat ka sa sofa!” Tinuro ko ang sofa sa gilid. Ang bigat talaga ng kumag na 'to. Umiling lang siya at humalakhak ulit bilang tugon kaya nalukot ang mukha ko.

“Ano ang kinasimangot ng bebelabs ko?” nang-aasar ang tono niyang tanong sa akin. I cringed at the call sign he used. Really? Bebelabs?

Sinamaan ko siya tingin tapos ay hinampas sa balikat pero ang kumag na mukhang unggoy, tumawa lang ulit. Baka mamaya ay sumakit na lalamunan niya kakatawa. Naaasar ko siyang tiningnan at kalaunan ay inirapan. Nothing changed since the first time we met, sure na mamumuti ang mata ko kaka-irap sa kanya.

Inakbayan niya ako pero dahil naaasar nga ako, iwinaksi ko iyon pero sa ‘di sinasadyang dahilan, nalakasan ko ‘ata at nahulog siya. Pero baka ay pinagaan lang talaga niya ang katawan niya kaya madali siyang nahulog? Pero hindi rin kasi naramdaman ko nga ang bigat niya kanina, ‘di ba?

I pursed my lips trying to stifle a laugh but I can’t stop it. Bumungisngis ako  pero tumigil din nang makitang nakangiti si Jax habang nakayuko. Tumingala siya sa akin habang nakangiti pa rin.

“‘Di ka na tampo, Bebelabs ko? Tumawa ka na, eh. Happy pill mo talaga ako, eh, noh? Yie.” My smile faded and I rolled my eyes at him then hit him with my pillow.

Hapless Beings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon