Chapter Six

155 46 77
                                    

6 - Survive

Keana

"Sa tingin mo, Ma, kailan magigising si Tita?" tanong ko isang araw kay Mama. Nasa loob kami ng kwarto ng mama ni Jaxton.

Sumama kasi ako sa kanya para tingnan din kung maayos lang ba ang kalagayan ni Tita, kahit na kakabisita ko lang 30 minutes ago. Nagsimula na rin kasi sa pag-aaral si Jaxton kaya wala siya rito ngayon. At tinupad ko ang sinabi ko sa kanya no'n na ako muna ang magbabantay sa nanay niya kapag wala pa siya.

Hindi ako naninira ng pangako, pero hindi rin dahil lang sa pangako kaya ko 'to ginagawa. Nag-aalala rin ako sa kalagayan ni Tita at hopefully, magising na siya.

Kaya kasama ko ngayon si Mama Mex kasi inaasikaso rin niya ang nanay ni Jaxton kasi siya rin pala ang substitute doctor na na-assign sa kay tita. Coincidence, eh?

May kinukutinting pa siya sa mga machine sa gilid bago sumagot sa akin. "Hindi ko pa alam pero alam kong magigising siya sa lalong madaling panahon. Basta hanggang may nagtitiwala at nagdadasal sa Kanya, magigising siya. Basta ba ay ang pasyente, eh, lumalaban din." Sagot niya habang inaayos ang kumot ni Tita Chamine. Ang ganda ng pangalan, hindi ba? Syempre maganda rin si Tita.

'Oh, Tita Chamine, gumising ka na kasi sinabi kong maganda ka. Charot.' Napa-iling na lang ako sa naisip ko.

Tumingin ako sa natutulog na nanay ni Jaxton at napangiti. Sana magising ka na po, namimiss ka na ng anak mo na kung umasta ay parang babae.

"Keana, let's go back to your room na." Sinipat niya ang relo niya 'saka ako tiningnan, "Nandito na si Jaxton maya-maya." Tumango ako at lumabas na kami, pero bago 'yon ay nagpaalam muna ako kay Tita.

Nasa pasilyo na kami ng ospital at medyo malayo na sa kwarto ni tita nang makasalubong namin si Jaxton na ngiting-ngiti nang makita kami.

Wow, good mood. Sirain ko. Charot.

"Magandang hapon sa dalawang magagandang dilag!" Nakangising-aso na bati niya sa amin habang itinataas-baba ang dalawang kilay. Inirapan ko siya at hindi na lang muna siya pinansin. Huminto kaming tatlo sa gilid para hindi kami magsilbing harang sa mga dadaan.

"Bolero ka talaga, Jax," natawa si mama bago nagpatuloy, "Magandang hapon din. Katatapos lang namin bumisita ni Keana- ay no, actually, ikalawa niya na talagang bisita sa nanay mo. Na-check ko na rin siya bago lang. Gawin mo lahat ng bilin ko sa 'yo, ha? Alagaan at bantayan mo ang nanay mo." Tumango-tango lang si Jaxton at nagthumbs-up pa bago nakayukong bumaling sa akin, nakaupo kasi ako sa wheelchair.

"Kumusta, binibini?"

Napataas ang kilay ko sa tinuran niya sa akin. Binibini, huh? Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya at nang-aasar ang mga mata kong tiningnan siya bago ko siya sinagot.

"Ayos lang, ginoo, kung hindi ko lang sana nakita ang pagmumukha mo," pagkatapos kong sabihin 'yun ay pabiro ko siyang inirapan. Ngumuso siya at tumingin kay Mama, nagpapaawa ang mga mata.

Sumbungero talaga.

"Tita, oh! Inaaway ako ng anak niyo. Paluin niyo po siya," nagmamakaawa ang tinig niya na inipit pa niya. Nagtunog kambing tuloy siya. Tumawa si Mama dahil sa ginawa niya. Parang sira.

"Paluin daw? Ano ako, bata?" I murmured silently.

"Nako, kayo talagang dalawa, ewan ko na lang sa inyo." Natatawang saad ni mama habang nasa likod ko siya, nakahawak sa pantulak ng wheelchair. "Oh siya, aalis na muna kami, ikaw na ang bahala sa nanay mo, Jax."

Hapless Beings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon