Chapter Twelve

89 10 0
                                    

12 - His Story

Jaxton

"Maraming salamat po rito!" Pagpapasalamat ko kay Aling Rosa habang papaalis na mula sa tindahan niya. Pauwi na ako sa amin kasi katatapos lang ng raket ko na nandoon sa palengke.

"Salamat din sa 'yo, Hijo!" Nakangiti siya habang kumakaway sa akin. Tumango lang ako 'saka ngumiti rin.

Masayang kong tiningnan ang perang natanggap ko mula sa pagtulong ko sa pagbuhat sa mga paninda ni Aling Rosa. Tinulungan ko kasi siyang buhatin ang mga dala niya kahit walang kapalit, pero nagpumilit pa rin siyang bigyan ako na tinanggap ko naman. Konti lang, pero ayos na iyon. Kahit gano'n, alam kong may maitutulong na ito sa amin ni Mama.

Aahon din kami, paunti-unti. Ika-nga nila, small progress is still a progress. Naks, ume-english. 'Saka, grasya na 'yon, bakit ko tatanggihan?

Nilagay ko ito sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa munting bahay namin. Pasipol-sipol ako habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nang mapansin ko ang dalawang lalaking pinagtutulungan ang isang batang lalaki sa isang makitid na eskinita.

Anak ng! Mga gago 'to, ah!

"Hoy!" sigaw ko sa kanila para mabaling ang atensyon nila sa akin mula sa bata. Napangisi ang mga ito bago sabay na nagtawanan.

Sinenyasan ko ang bata na lumapit sa akin na agad namang niyang sinunod. Mabuti na lang at hindi siya napansin ng mga ito.

"Pre, may pakialamero, oh. A-Anong gagawin natin d'yan?" pasinok-sinok na tanong ng isa sa kasama niya. Halata sa itsura nilang dalawa na lasing sila at 'yung mga mata nila, pula, na parang nagka-sore eye. Napailing ako nang mapagtanto kung bakit.

"Tumakbo ka na, dali!" Tinulak ko ang bata para makatakas siya at makahingi siya ng tulong sa kung sino man. Tinanaw ko ang bata na nagkukumahog na tumakbo para makaalis.

Ayokong umalis dito. Hindi ko sila hahayaang makapanakit ulit ng ibang tao. Hanggang sa may dadating na huhulihin sila, ro'n lang ako aalis. Pero sana, dumating na sila agad.

Nabigla ako nang maramdaman ko ang isang malakas na suntok sa pisngi ko sanhi para matumba ako. Pagod ako ngayon mula sa pagtatrabaho, oh, letse naman.

Ayan, Jaxton, feeling superhero ka kasi.

Babangon na sana ako at babawi nang suntok nang bigla akong dinaganan no'ng isa. Ang bigat!

Hinila niya ang kwelyo ng damit ko para mas magkalapit ang mukha namin. Ang isang lalaki naman na nasa likod ko na, hinawakan ang buhok ko kaya nagmistula akong parang laruan sa kanilang harapan.

Makakalaban sana ako dahil lasing sila pero dahil nga napansin ko kanina na lulong sila, alam kong matatalo lang ako laban sa kanila.

"Gago ka ba?! Bakit mo pinatakas 'yun, ha?! May atraso sa 'min 'yung batang 'yon! Gusto mo ba ikaw na lang ang pagdiskitahan namin?! Tangina mo!" Sinuntok niya ako bigla sa tiyan sanhi ng pagkaubo ko. 'Yung kinain ko! At ang sakit din manabunot ng tao sa likuran ko, pakiramdam mo matatanggal na 'yung anit ko.

Wala bang nahingian ng tulong ang batang 'yon? Shit.

"Putangina mo, umalis ka sa tiyan ko!" ganting sigaw ko sa kanya. Itutulak ko na sana siya para makaalis, bahala na kung may matanggal na buhok sa akin, nang hawakan ng lalaki sa likod ko ang dalawang kamay ko. Napa-igik ako at napamura.

Hapless Beings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon