8 - Him
Keana
"Aray naman, Keana!" Daing ni Jaxton dahil pinalo ko siya sa likod niya. Ayan kasi, mang-aagaw.
"Akin kasi 'yan! Bakit ka ba nangunguha kung meron ka nang iyo, ha?" Reklamo ko at inagaw ang mineral water ko sa kamay niya.
"Mas masarap 'yung tubig mo kasi nainuman mo na," malanding saad niya sabay kindat.
"Ew. Napakaharot mo, ano? Pero parang pang-manyak 'yung way nang pagkakasabi mo no'n. Yuckish, Jaxton." Nandidiri at kunwaring nasusuka ako habang nakangiwing tinataboy siya.
"Hoy, grabe ka naman! Ang harsh mo talaga sa akin, Ke! Joke lang naman 'yon. 'Wag gano'n kasi pangit kabonding 'yung gano'n. Dito ka nga." Hinila niya ako 'saka inakbayan at naglakad patungo sa simbahan na unang destinasyon namin. Gusto kasi naming magsimba, actually pinilit ko siya dahil gusto niya munang kumain bago magsimba, ayoko nga.
Anyway, para tuloy akong nakakaladkad dahil ang haba ng legs niya dagdag pa na mabilis siya kung maglakad kaya ang ending, naiiwan ako. Tinatanggal ko ang nakaakbay niyang braso sa akin dahil naiinitan ako sa braso niya na nakapalibot sa leeg ko. Plano na niya yata akong patayin sa pamamagitan nang pagsakal.
Natatawa niyang inalis ang braso niya mula sa pagkakaakbay sa akin dahil napansin niya ang ginagawa kong pag-alis nito. Nakasunod lang ako sa kanya na nakapamulsang naglalakad nang mapansin kong nakatingin ang ibang babae sa kanya, 'yung iba kinikilig pa nga.
Gwapo naman si Jaxton kaya siguro ay madaming lumilingon sa kanya. Singkit si Jaxton, matangkad na may 5'9 na height, matangos ang ilong, natural na may mapupulang labi, maputi at medyo may kakapalan na kilay, pati yata mukha niya makapal. Plus 'yung funny personality and good attitude niya rin if ever na makilala siya ng ibang tao closely, I'm a hundred percent sure that they'll like him. Kaya I'm really lucky that I met him. He's a one of a kind.
Kinulbit ko siya sa balikat niya kaya napalingon siya sa akin saglit bago binagalan ang paglalakad para makasabay sa akin. Kasi nga 'di ba, nauuna siyang maglakad kaysa sa akin at nakasunod lang ako sa kanya.
"Oh?"
"Nakatingin ang ibang babae sa 'yo. Hindi ka naman gwapo. Baka alam nila na baliw ka? Hala ka, Jax! Patay ka, baka mapagkamalan ka na takas sa mental," nakangising pang-aasar ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Tinawanan ko lang siya bago kami naupo sa napili naming upuan. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay tumunog na ang kampana ng simbahan. Pinapatunog para malaman ng ibang tao na malapit na magsimula ang misa. Sa pagkakaalala ko, ikatatlong beses lang ako nakapunta sa simbahan.
Lumuhod kami parehas ni Jaxton at nagsign of the cross para magdasal. Pinikit ko ang dalawang mata ko at dinama ang kapayapaan ng simbahan. Nilagay ko ang pinagsalikop kong kamay sa noo ko bago piping nagdasal.
Minuto rin ang nakalipas at natapos na ako. Nakapikit pa ang mata ko nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nilingon ko iyon at nakita si Jaxton na matamang nakatitig sa akin.
"Oh, bakit?"
"Hinihintay lang kitang matapos, sana matupad ang dasal natin, hindi lang sa ating dalawa pero sa lahat ng nandito." Tumingin siya sa altar at tahimik na tumitig doon.
BINABASA MO ANG
Hapless Beings
Teen Fiction- short novel - *** Keana Maglasang, a girl who suffers from a heart disease, lives in a hospital since the day she's born and grew up with her foster mother who is also a doctor. Until a guy named Jaxton Alviza appears in her life whom she met in...