10 - Blue
Keana
Ikalimang buntonghininga ko na ito ngayon habang pinipilit na pinapakain si Jax. Isang oras pa lang ang nakalilipas ngunit ito si Jax ngayon, tahimik habang mugto pa rin ang mata. Pinapakain ko siya ngayon dahil mag-ga-gabi na rin, baka makalimutan ko 'tong gawin mamaya at hindi siya makakain ng dinner niya, lalo na sa kalagayan niya.
Hanggang ngayon, nandito pa rin kami sa kwarto ni Tita. He insisted that he'll stay here until tomorrow. At ngayon, nararamdaman kong gusto niyang umiyak ngunit walang luhang lumalabas mula sa mga mata niya. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang ganito. Masakit sa dibdib.
"Jax..." I called him softly. "Come on..."
"Kakain ako mamaya, Ke. Sige na, ilagay mo lang diyan. 'Wag ka na mag-alala sa akin." He nonchalantly said while standing infront of the window, staring blankly at the view outside.
'Wag daw mag-alala? Is he seriously asking me that? I just rolled my eyes and sighed.
"Pero, Jax, ilang beses mo nang sinabi 'yan pero hindi ka pa rin-" I was cut off by his words.
Marahas siyang lumingon sa akin at masama na ang timpla ng mukha niya. "Keana, kakain nga ako mamaya! Bakit ba ang kulit mo? Umalis ka na lang nga muna," naiinis niyang tugon.
Nagtubig ang mga mata ko sa inis at lungkot. How could he say that to me? Does he think that Tita Cha will be happy seeing him like this? I understand the pain he's feeling kasi maski ako ay kahit may nanay ng tinuturing, nangungulila pa rin sa totoong ina ko. I'm not saying that his feelings aren't valid and I'm not also comparing what happened to my mother and his, pero naiinis ako. Naiinis ako kasi nagiging ganito siya. I just want him to eat, I won't let him suffer all alone!
"Fine!" I heavily marched towards the door and slammed it. Naglakad ako papuntang kwarto na masama ang loob ng slight.
May pa, "stay please, stay please," pa siya kanina tapos... Ugh. I'll just let this pass. He's just sad, Keana. Understand him.
Naiinis kong pinahid ang tumakas na luha mula sa mata ko bago pumasok sa sariling kwarto. Bakit ba ako naiiyak? Dahil ba sa sinabi niya sa akin kanina? Nakakairita na ang dali ko lang masaktan.
Nilingon ko ang pinto ng kwarto ko at napapalatak. "Hindi man lang ako sinundan ng Jax na iyon para mag sorry. Hmp!" medyo nagtatampo kong saad. Medyo lang. Pababayaan ko muna siya sandali para makapagmuni-muni muna siya.
Umupo ako sa upuan at tumunganga ng ilang segundo bago naisipang magdrawing na lang. Wala naman din kasi akong ibang ginagawa.
Tutal ay wala pa naman si Jax, magd-drawing na lang ako. Hindi natuloy yung gagawin ko last time kasi inaya ako ni Jax kumain no'n. Nilingon ko ang IV pole ko sa gilid bago kumibit-balikat at tinali ang aking buhok para hindi masyadong sagabal sa gagawin ko.
Nakapwesto na sa harap ko ang papel at lapis kaya nagsimula na akong gawin iyon. I just keep on drawing some things yet I don't know if the outcome is good or not. I just want to draw and see how the colors mix. I always feel light when I'm drawing the things that I imagine, love or seen.
One hour later and I'm almost finished. It's quite simple. But as the clock ticks, Jax is still not here. I sighed then looked at the time. 7:00 P.M.
"Kumain na ba siya?" I murmured.
I looked at the door again and rolled my eyes. Why am I still hoping that he'll come here? I just can't help to be worried for him. He's my friend and since kamamamatay lang ni Tita Cha, I feel like I'm his guardian na dapat siyang alagaan.
BINABASA MO ANG
Hapless Beings
Teen Fiction- short novel - *** Keana Maglasang, a girl who suffers from a heart disease, lives in a hospital since the day she's born and grew up with her foster mother who is also a doctor. Until a guy named Jaxton Alviza appears in her life whom she met in...