Chapter Seven

141 44 75
                                    

7 - Until When?

Keana

Nagising ako nang maramdaman kong sumasakit ang puso ko. Pinindot ko ang button na nasa gilid ng kama ko at pinilit ang sariling huminga ng malalim.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nag-aalalang si Ate Jira na nagmamadaling lumapit sa akin. Tinulungan niya akong makabangon para makaupo at maisandal ang ulo ko sa headboard ng kama. Maaga ang shift ngayon ni Ate Jira dahil nag-leave siya nung isang araw sa kadahilanang hindi ko alam. Siguro ay nagbakasyon sila ng pamilya niya.

Ibinigay niya sa akin ang isang paperbag na nasa maliit na dining table ko rito. Tinapat ko iyon sa bandang bibig ko at bumuga ng hangin.

"Okay, Ke. Inhale, exhale..."

Sinunod ko ang sinasabi niya hanggang sa medyo gumaan na ang pakiramdam ko pero masakit pa rin ang dibdib ko. Kaya siguro nahirapan akong huminga kanina dahil din do'n. Mapapangiwi ka na lang talaga sa sakit, eh.

"Ayos ka na ba?" Tanong niya sa akin pagkatapos niya ako bigyan ng tubig. Tumango ako sa kanya at hindi na nagsalita.

"Aalis na ako, Keana, ha? May pasyente pa kasi akong pupuntahan. Basta 'pag sumakit ulit, pupuntahan kita."

"Opo. Salamat at ingat po." Ang huling nasabi ko bago niya naisara ang pinto. Narinig niya naman siguro 'yun. Huminga ako ng malalim bago paulit-ulit na binukas-sara ang aking mga mata.

Lumingon ako sa bintana at nakitang madilim pa rin ang kalangitan. Tiningnan ko ang orasan at nakitang ala-una pa pala ng madaling araw. Napa-buntonghininga na lang ako at dahan-dahang humiga sa kama at tumitig sa kisame.

Ika-anim na beses ko na itong nararanasan ngayong buwan. Binibilang ko talaga kung pang-ilan. Noon, madalang lang ang pagsikip at pagsakit ng dibdib ko pero ngayon, parang nagiging minsan na. Nagdudulot tuloy ito ng pangamba sa akin.

Kinapa ko ang dibdib ko at naalala ang sinabi ng isang kaibigang doktor na nakausap ni Mama Mexie noon tungkol sa sakit ko habang nagpapanggap akong tulog.

"Mex, what will you do?"

Tumawa ng pagak si Mama at sinagot 'yung doktor na kausap niya, si Doc. Genesis. "What? You're asking me that kind of question? Of course I will help her! Tutulungan ko siya na gumaling sa abot ng makakaya ko. She's my daughter," madiin at napapasigaw na saad ni Mama. Pinipilit niya sigurong hinaan ang boses niya para hindi ako magising, pero ang totoo ay gising na gising ang diwa ko.

"Lower down your voice, Mex, I'm still the superior and respect that plus your daughter is sleeping," matigas at may awtoridad na pagkakasabi ni Doc. Genesis. Totoo na mas mataas ang pwesto niya kaysa kay mama.

"Genesis, stop using your authority card to me because you do know that-"

"Hush, Doctor Rizales. I know because I know you damn well but listen to me," mahinahon na ang pagkakasabi ni Doc. Genesis sa sinagot niya kay Mama. Napasinghap si mama at pinakalma na lang ang sarili. Muntik ko nang buksan ang mga mata ko sa narinig. Something's fishy. I giggled mentally.

"Okay, the results are bad, you know that because you've seen it. Lumalala ang sakit niya sa bawat araw na lumilipas, Mex, at wala pa tayong nahahanap na heart donor. Mahirap maghanap ngayon ng ganyan."

Hapless Beings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon