Ang Tanaw ay isang nobela tungkol sa isang binibining nagmula sa kasalukuyang panahon na napadpad sa panahon ng himagsikang Pilipino - Espanyol taong 1896. Kanyang nakilala ang mga ginoo ng 1896 na nagbigay subok sa tibay ng kanyang pag ibig sa kanyang kasintahan na naiwan sa kasalukuyang panahon.Sa muli niyang pagbalik sa pinanggalingan niyang panahon, ang susi ng kanyang pagkatao na kanyang nakuha ay siyang magbubukas ng mga nakatagong sekreto. Ang susing nagbigay liwanag ay siya ring magiging dahilan ng muling pagkasara ng kanyang mga natuklasang ala- ala.
Ang paglimot sa kanyang tinatangi ang siyang magiging kapalit ng kahilingang makuha ang susi ng kanyang katauhan.
Ang nobelang ito ang siyang magbibigay halimbawa kung paano maglaro ang tadhana hanggang sa huling pahina ng kwento.
"Malagas man ang dahon, ngunit mananatiling nakatayo ang puno, at muling sisibol ang mga panibagong mga dahon sa panahon ng tag-sibol. Maaalihalintulad sa pag ibig ng mga tao. Mabura ka man sa kanilang ala-ala, ngunit hindi ng puso. At kasabay ng pagbalik ng nakalimutang ala-ala ang bagong simula ng panibagong delubyo. Laging alalahanin na walang punong maligaya na hindi dinilig ng luha.
Walang punong hindi dinaanan ng bagyo't sakuna."
dahan dahang sinara ng binata ang hawak nitong aklat matapos basahin ang isang pahina. Matagal muna siya napatitig sa kanyang hawak bago nilapag sa sariling kandungan.
Kahit ilang beses na niya itong binasa sa tuwing siya ay nalulumbay, hindi pa rin siya nagsasawa at hindi siya magsasawa.
Tiningnan niya ang katabing lapida na may tanim sa paligid na kalachuchi, nasa gilid ng lapida ang isang bungkos ng bulaklak ng puting rosas at dalawang nakasinding kandila na nangangalahati na.
"How are you, sunshine?"
Gaya nang nakagawian ay narito na naman siya sa sementeryo ng La Loma.
Manila's oldest Catholic cemetery, known as La Loma Catholic Cemetery or Campo Santo de La Loma. Ito ang pangalawang pinakamatandang libingan sa Pilipinas. Nagbukas ito taong 1884 sa pangalang Cementerio de Binondo, nagsilbi itong libingan ng mga bininyagan bilang Katoliko sa panahon ng pananakop ng mga kastila.
Naging saksi ito sa mga naging epidemya and it was also an important battleground during the Philippine-American war and served as an execution site by the Japanese during World War II.
Ngayon ay isa na itong sementeryo bukas para sa lahat, mayaman man o mahirap. At isa sa mga labi ni Denise ang nakalagak dito, binalak niyang ilipat ang unang naging puntod ni Denise, sa katauhang Dionisya. Ngunit, hindi na niya tinuloy dahil ayaw niyang magulo ang dating puntod nito.
"Sunshine..." muling tawag niya na para bang sasagot ito. Hindi siya magsasawang tawagin at kausapin ito nang paulit ulit.
Ilang dekada siyang araw araw ay ganito ang gawain niya; na pagkatapos ng kanyang trabaho sa opisina ay dumidiretso siya sa kasalukuyang puntod ng dalaga.
Mas napapadalas ang kanyang pagbisita lalo na ngayong bumalik ang ang pamilya niya sa Pilipinas sa bago nilang pangalan.
Kahit hindi na niya kapilingin si Denise ay hindi pa rin nawala ang pagbibigay liwanag nito sa kanyang mundo.
Tila isa siyang punong tumatanggap ng lakas galing sa sinag ng araw...galing sa kanyang minamahal na dalaga.
"Dionisya...Denise, kahit ano pa ang pangalan mo, kilala ka ng puso ko. You are the sun in my life. You're my sunshine."
Ilang oras pa siya nagpalipas ng oras bago naisipang umuwi. Hinaplos niya ang lapida bago napag desisyunang tumayo at umalis. Habang naglalakad, nakatingala siya sa mga ulap na nagsisimula nang takpan ang sinag ng araw.
Masyado siyang nawili sa kakatingala sa langit, hanggang sa hindi napansin ang paligid at mabanga ang nakasalubong niyang dalaga na nagbabasa naman habang naglalakad.
"Aray naman!" naalalayan ni Ethan sa mga braso ang dalaga bago pa ito masubsob sa lupa, sabay pa silang napatingin sa tumalsik na librong hawak ng nito. Umayos sa pagkakatayo ang dalaga kaya nabitawan na ito ni Ethan nang di namamalayan dahil nasa libro pa rin ang atensyon ng binata.
Agad namang pinulot ni Ethan ang libro at napangiti sa nabasang pamagat. "Tanaw," bulong ni Ethan habang inaabot sa dalaga ang libro.
Pakiramdam ni Ethan ay huminto ang oras sa sandaling nagkasalubong ang tingin nila ng dalaga.
Hindi nagbago at nanatili ang kulay maging ang hugis ng mata ng dalaga, ang paraan ng pagkurap maging ang hugis ng kilay at porma ng pilikmata, maging ang emosyong binibitawan ng mga mata ng dalaga.
Magbago man ang ilang parte ng mukha ng dalaga, maging ang pangalan, ngunit may maiiwang palatandaan sa dating katauhan nito, hinding hindi makakalimutan ng kanyang puso ang pagkatao nito.
"Excuse me?" tawag pansin sa kanya ng dalaga na nakataas na ang isang kilay, dahil napansin nitong natulala siya.
Tumikhim si Ethan nang matauhan. Isang ngiti ang kanyang iginawad para matakpan ang pagkabigla.
"Naniniwala ka ba sa bampira?" tanong niya habang pasimpleng pilit na pinapakalma ang sarili.
Bumaba ang nakataas nitong kilay at natawa habang umiiling, "hindi, eh..."
Nahawa si Ethan sa tawang pinakawalan ng kausap. Kanilang naramdaman ang pamilyar na presensya ng isa't isa.
"By the way, I'm Ethan Carl Salazar."
Ang kaninang madilim na kalangitan ay unti unti nang lumiwanag galing sa papalubog na araw. Tila nais saksihan ng paligid ang palitan nila nang ngiti.
"You are?"
Walang makakapigil sa dalawang pusong pilit na pinaghihiwalay ng pagkakataon, kahit pa ang kamatayan.
"Jonice...but mas gusto ko na tinatawag sa nickname ko."
Kahit ilang beses subukin ng tadhana, gagawa ng paraan ang kanilang damdamin upang sila ay pag tagpuin muli.
"May I know your nickname?"
Sa oras na magtagpo ang mga matang naging saksi ng nakaraan at nang madikit ang kanilang mga palad, hindi na mapipigilan pa ang dalawang pusong tunay na nagmamahalan.
"It's Denden..."
Ang paglubog ng araw ay hindi magiging wakas ng isang kwento, ito ay magiging simula ng bagong pahina para sa panibagong kabanata ng dalawang pusong puno nang pangungulila.
"It's nice to finally meet you, Denden."
Wakas
----
NOTE:
Tanaw is now signing off :)
Soon:
PAHIMAKAS - side story of Tanaw
GUNITA- Prequel of Tanaw
Maraming salamat sa mga umabot sa huling kabanata ng kwento!
Magpopost po ako ng mga special chapters. Again, Thankyou for reading!
BINABASA MO ANG
Tanaw (under editing)
Historical FictionFormer Title: Ginoo ng 1896 COMPLETED Nakasanayan na ni Denise Guevarra na mabuhay mag isa, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang binatang nagligtas sa kanya. Na hindi rin nagtagal ay kanyang naging kasintahan at ang pagka diskubre n...