XI. Shadow

1K 54 18
                                    

Kabanata 11 

Denise's Pov

Pagkatapos ng gulo na kanina, nakita ko pang nag usap pa si Carlos at Bagwis bago kami iwan ni Carlos. Ang tanging narinig ko lang ay susunod daw ito sa bahay ng tiyahin ni Bagwis. Ang akala ko pa naman nasa meeting sila ng supremo, bakit kaya biglang sumulpot doon si Carlos?

"Narito na tayo," basag ni Bagwis sa katahimikan. Tumigil kami sa harap ng isang bahay na parang ancestral house. Bukas ang dalawang malaking pinto nito sa harap. Nasa gilid ng bahay ang isang hagdan papunta sa taas parang terrace. Nang tumingala ako, nakita ko tatlong saradong bintana sa harap.

"Santisima! Bagwis!"Natauhan ako dahil sa sigaw na nanggaling sa bintana ng bahay.

"Lolong! ang iyong matikas na pamangkin," Natutuwang sabi ng ginang na agad na umalis sa bintana.

"Anong masamang hangin ang nagtungo sa iyo rito? At sino yang kasama mo? Bakit hindi mo kasama ang binatang si Carlos?" sunod sunod na tanong ng lalaking mga nasa edad sixty.

"Lolong! Ano ka ba naman, iyong papasukin na muna ang mga bata,"sabi naman ng ginang na nasa bintana kanina, na ngayon ay kakalabas lang ng bahay

Inalalayan pa ako ng ginang papasok ng bahay. Nakasunod naman sa likod namin ang dalawang lalaki. "Thank- maraming salamat po."

Ngumiti ito sa sinabi ko."Kay Gandang bata! Paano ka nauto ng aming pamangkin?"

Kumunot ang noo ko at naguluhan sa sinabi niya...

Nagulat ako nang tumawa si Bagwis," naku po tiya, tiyo, aking malapit na kaibigan si binibining Denise. Siya ay aking nakikilala nang ako'y magbakasyo sa Europa," paliwanag ni Bagwis.

I chuckled when I realised what her aunt said to me earlier.

"Ang buong akala ko'y kasintahan mo na,"Nanghihinayang na sabi ng ginang, tiningnan naman ako ng tiyuhin ni Bagwis.

"Binibini, sila ang Tiyo Lolong at Tiya Marieta ko. Kapatid ng aking ama si tiyo Lolong ."

"Magandang umaga po,"bati ko.

"Magandang umaga rin binibini. Napakagandang dilag." Nakangiting sabi ni aling Marieta. "Pasensya ka na, mabuti na lang hindi ka nagpauto sa pilyo naming pamangkin."

Sabay kaming natawa ni aling marieta, nakita ko rin na nakangiti ang tiyo Lolong ni Bagwis habang pinagmamasdan kami.

"Tiya, huwag naman kayong magbiro nang ganyan, baka maniwala sa inyo ang binibini."

"Naku ang batang ito, parang kailan lang hinugusan ka pa namin pag katapos mong maglabas ng dum," biro naman ng tiyuhin niya,

"tiyo!"

Nagkatinginan kami ni aling Marieta at sabay na nagpakawala ng ngiti sa pang aasar nila kay Bagwis. At sa ngiti niyang iyon, alam kong magiging ligtas akong makakabalik at matatapos ang misyon ko.

****

"Naghahanap ba kamo ng matutuluyan?" tanong ni aling Marieta nang maipaliwanag kaninna ni Bagwis ang sitwasyon ko na wala akong matitirhan.

"Aba pwedeng-pwede ka rito," mahina itong tumawa," Sino ba naman ang makakatanggi sa isang magandang binibining gaya nitong si Denise,"Dagdag ng ginang.

"Ayos ka na ba sa silid na ito?" Tanong sa akin ni aling Marieta, nang maihatid niya ako sa magiging kwarto ko.

Isang simpleng kwarto na may isang kamang maliit at isang maliit na lamesa sa gilid ng higaan. Walang nakapatong na kahit anong gamit sa mesa. Isang bintana naman na may puting kurtina ang nagbibigay ng hangin sa loob ng kwarto.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon