Kabanata 15
Denise's Pov
Kinuha ko ang gitarang isinandal ng musikero sa pader. Nagpaalam si Carlos na hahanapin niya lang si Bagwis at pinaupo muna niya ako sa sofa na inupuan ko kanina. Saktong kakaalis lang ng musikerong nag iwan ng gitara kaya pinakealaman ko ito.
Hinaplos ko ang string ng gitara at pumasok na naman sa isip ko si Ethan. Isa sa bonding namin ay ang pag gigitara, siya rin nag nagtuturo sa akin, isang kanta pa lang ang kabisado ko ang chords. Wala sa sariling gumalaw ang mga daliri ko para i-strum ang gitara.
"Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't wag mong bitawan"
"Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang"
Ipinikit ko ang mata ko habang dinadama ang string ng gitara at pati na ang kanta.
"Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?
Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin"
Tumahimik ng ilang segundo, saka ko narinig ang isang palakpak hanggang sa dumami at lumakas kaya naidilat ang mata ko. Doon na nanlaki ang mata ko nang makitang nasa akin ang atensyon ng lahat at ang lakas pala ng boses ko habang kumakanta na 'di ko namamalayan.
Puwede bang mawala bigla sa harap nila at bumalik na sa present? Pwede na ba ngayon na mangyari? Kasi gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga oras na 'to.
"Denise! Hindi mo nabanggit na isa kang magaling na mang aawit,"nakangiti sabi ni Bagwis na tumalon-talon pa sa harap ko habang hawak ang isa kong kamay. Product of videoke lang 'to.
Napunta naman ang tingin ko kay Carlos nang kunin niya ang kamay ko kay Bagwis na tumigil na sa kakatalon dahil lumapit na rin ang tatay niya.
Nagkatinginan kami ni Carlos at bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin, tapos ay binalik ko ulit ang tingin sa kanya. Napakamot ito sa ulo at dahan-dahang nakipag shake hands bago pinakawalan ang kamay ko.
Napunta ang tingin ko sa likod ni Carlos na kung saan naroon si Ligaya na inirapan ako nang magkatinginan kami, pagkatapos ay tumalikod na ito at umalis.
"Binibini," tawag ni Carlos sa akin nang makarating kami sa dining table. "nais kong ipakilala si Kapitan Bernardo Chavez ang aking tiyo." Ngumiti naman ako sa lalaking kasing edad ng tatay ni Carlos. Nakasuot ito ng suit at may hawak din na tungkod. Bakas ang pagiging purong kastila niya, tinitigan ko ito at inalala kung sino ang kanyang kamukha.
Chavez? Saan ko ba narinig ang Chavez? At fashion tend ba rito ang tungkod sa mga lalaki?
Sinuklian di niya ako ng ngiti kaya kitang kita ang isang piraso niyang ngipin na isang ginto.
"Ikinagagalak kitang makilala, binibini." Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan nang magsalubong ang tingin namin. Napaiwas tuloy ako ng tingin, pinaghila naman ako ng upuan ni Carlos bago ito naupo sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Tanaw (under editing)
Historical FictionFormer Title: Ginoo ng 1896 COMPLETED Nakasanayan na ni Denise Guevarra na mabuhay mag isa, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang binatang nagligtas sa kanya. Na hindi rin nagtagal ay kanyang naging kasintahan at ang pagka diskubre n...