XXXVII. His Home

288 15 3
                                    

Kabanata 37

Denise's pov

Isang linggo.

Isang linggo mula nang makabalik ako sa katawan ko, magkaroon ng malay na parang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa akin. Pero alam ko sa sarili kong hindi ako nananaginip, lalo pa nang makita ko ang peklat sa likod ng tenga ko.

Isang linggo na rin akong kinukulit ni tesoro at nanghihingi ng chance para i-explain niya ang lahat. Lalong lalo na't ang usap-usapang balita ngayon ng mga media. Pero pag pinag e-explain ko siya, biglang hindi siya makakibo.

Sino ba naman kasi ang hindi magkakagulo sa balitang, alam ng lahat na ako ang kasintahan. Pero sa kapatid ko ikinasal— let me correct, step sister.

Isang linggo na rin akong hindi kumikibo, gulong gulo na kung ano ba talaga ang mararamdaman ko. patong-patong na sakit ang dala-dala ko, pati ba naman sa pagkabalik ko sa panahon ko, sakit nanaman ang bubungad?

Hindi ko na alam kung sino ba talaga ang nasa side ko o sino pa ba ang maniniwala sa akin,may magtatanong ba kung okay lang ba ako? kung nasaan na ba si Kachichay?

Ramdam ko pa rin ang kirot sa dibdib sa tuwing naaalala ko si Timoteo. Ano na ang nangyari sa San Sebastian? Kay Bagwis...kay Carlos.

Totoo ba sila? O nanaginip lang ba ako? bakit kailangan may mamatay muna bago ako magising? Bakit kailangan isampal sa mukha ko ang harap-harapang pagtataksil ng sarili kong pamilya?

Bakit ang sarili kong ama hindi ako magawang paniwalaan?

"Utang na loob, please. Alam ko na hindi tayo magkasundo pero sana this time maniwala naman kayo sa akin! Narinig ko ang plano ng bruhang yon papá—"

"paano mo nga maririnig kung yung araw na sinasabi mo? na nahuli mo silang nag uusap ay nandyan ka sa hospital bed na 'yan. Denise, dalawang mata ko—namin kitang kita kang walang malay! Tapos sasabihin mo nakita mo sila?"

"pero dad!—"

"tama na, Denise. Ayaw ko nang makarinig ng kung anong paninira mo sa asawa ko at kay Danica. I'm so disappointed sa lahat ng mga lumalabas sa bibig mo."

At nung araw ring yon ay iniwan ako ni Danilo at hindi ako pinaniniwalaan sa mga sinabi ko.

Oo nga naman, sino bang maniniwala na narinig ko thru kaluluwa form ang pinag uusapang pagnanakaw ng bruhang 'yon sa pamilya ko.

Kahit si Ethan ay hindi pinapansin ang sinasabi ko.

"Im sorry Denden, huwag ka na lang muna makialam, hayaan mo na ang papa. At tama siya, baka masyado ka lang nag o-overthink dahil sa mga nangyayari."

Parang hindi siya si Ethan na kilala ko. wala siyang pakielam sa mga sinasabi ko, ang gusto niya lang ang pinagpipilitan niya.

"sunshine, about Danica—"

"nakakahiya naman,hindi niyo man lang ako hinintay magising? Naging maid of honour man lang sana ako sa kasal nyo. Masyado ba kayong excited sa honeymoon?—."

"pero Denden—"

"kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko, ano pa ang silbi para pakinggan at paniwalaan ang mga i-dadahilan mo? You're already married, tapos ang usapan."

Nung araw ding 'yon tinapon ko sa bintana ng hospital ang promise ring na binigay niya na nasa kamay ko pa rin.

Ano pang silbi ng bagay na yon kung wala naman nang mangyayari sa relasyon namin, na una niyang sinukuan simula nang magpakasal siya sa demonyitang Danica na iyon.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon