V. Ang Aksidente

1.4K 63 19
                                    

Kabanata 5

Denise's Pov

"C'è qualche problema, mia nipote?" (Is there any problem, my granddaughter?)

Napunta ang atensyon sa akin ng lahat dahil sa pagtaas ng boses ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng pamilya ni Ethan. Samantalang si Ethan naman ay kahit malamig ang titig, Alam ko na natataranta na rin siya sa naging reaksyon ko.

Nagbabanta naman na tingin ang natanggap ko kay Guevarra. Kung nakakamatay lang ang titig niya kanina pa ako hindi humihinga.

"Mi dispiace, nonno non mi dispiaccia,"bulong ko.( I'm sorry grandpa, Don't mind me,) Alam ng grandpa na boyfriend ko si Ethan. Bakit pumayag siya sa kasal na'to?

Tumango ito," alam ko namang may pinagsamahan kayo nitong si Ethan. At alam kong hindi kayo maiilang sa isa't-isa pag kinasal na sila ng kapatid mong si Danica. Dahil sabi ng papa niyo na maayos naman kayong naghiwalay nitong binatang Sylvester."

Nanlamig ang mga kamay ko at napakurap.

Kailan pa kami naghiwalay? Bakit parang ako lang ang hindi na-inform na hiwalay na pala kami at sila alam nila?

Mapait akong ngumiti habang ginagalaw ang pagkain sa plato ko gamit ang tinidor ko. Hindi ko matingnan si Ethan kahit alam kong nakatitig pa rin siya sa akin ngayon.

Naninikip ang dibdib ko. Alam ni Ethan ang engagement na ito, imposibleng hindi niya alam. Kasi siya mismo ang unang mag re-react kung wala siyang alam.

Magagalit siya, tatanggi siya.

Pero sa sitwasyon ngayon, tahimik lang siyang naka-upo. Ni hindi itinanggi na ayaw niyang magpakasal. Hindi niya rin itinanggi na hiwalay na kami. Lahat ng nasa lamesang ito alam ang mangyayari sa dinner na ito. At ako lang ang mukhang tanga na walang kaalam alam sa mangyayari.

Humigpit ang hawak ko sa tinidor. Pinagkaisahan ba nila ako o pinagtitripan? Now what, Denise? Magsalita ka! ipagtanggol mo ang sarili mo kung hindi ka kayang ipagtanggol ni Ethan.

Nagpatuloy ang usapan tungkol sa plano sa kasal at hindi na ako nag react pa.

Nawalan ako ng lakas, saan ako kukuha ng lakas kung pati si Ethan kinuha nila. Hinayaan ko silang mag usap-usap na parang wala ako rito sa hapag. Kahit ang pamilya ni Ethan wala ring nagawa kundi sumali sa usapan dahil kay lolo at Guevarra.

Kahit na kaming dalawa lang ni Ethan ang tahimik. Sumasagot naman ito pag may tinatanong sa kanya. Samantalang ang Danica, syempre feel na feel ang pagiging bidang bride. Ito ba yung sinasabi niya kanina sa bakeshop na aagawin niya? Nice, hindi na ako nagulat na nagawa niya.

Alam ko rin na nagdiriwang ang bruha niyang nanay. Nagpapanggap lang ako na wala akong naririnig pero hindi ko maiwasan. Para bang sinasampal sa akin ang bawat lumalabas sa mga bibig nila.

"Danica has a good image in the public and media. Alam kong makukuha niya rin agad ang loob ng mga empleyado," narinig kong sabi ng ama ni Ethan.

Mabait? Baka naman bait-baitan.

"Matalino, pag nagsama kayo sa isang business paniguradong mahihirapan ang mga kalaban natin na lamangan kayo, lalo na pag nagsama na ang Sylvester at Guevarra," sabi naman ni tito.

"Magandang bata ang anak ko! bagay sila, gwapo si Ethan pag nagkaroon sila ng mga supling aba paniguradong ke ga-gandang ke ga-gwapong bata,"banat naman ng bruhang nanay ni Danica.

"Simpleng bata, walang arte." Puri naman ni Danilo Guevarra sa paborito niyang anak.

Simple? Kailangan ko bang maging simple? kahit maapakan niya pa ang saya niya sa sobrang haba never kong gagayahin ang taste of fashion niya.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon