Kabanata 23
Third person's pov
Buwan ng Agosto, 1896
Ang tunog ng pagtama ng baston sa sahig na marmol ang umalingawngaw sa katahimikan ng marangyang bahay. Nakangiting tumayo ang isang babaeng napapalamutian ng mga kumikinang na mga pulseras at hikaw. Naglalakihan din ang mga diyamanteng nakakabit sa hikaw at mga suot na singsing nito
"Doña Letisya, Ha sido un largo tiempo, cómo está," (it's been a long time, how are you?) Bungad ng lalaking may hawak na baston sa babaeng nakaupong babae. Sinalubong naman ito ng babae at nakangiting itinuro ang isang upuan.
"Estoy bien, senyor ," (I'm fine) sagot ng babae."Teresa!"sigaw nito, lumapit naman ang isang dalagang nakasuot ng tagpi-tagping saya. Nakayuko itong lumapit sa babae at hinain ang mainit na tsokolate sa harap ng panauhin, nanatili itog nakayuko hanggang sa umalis.
"como esta Europa?"tanong ng lalaki. Tumawa naman ang babae nang mahinhin. (How's Europe)
"bien como siempre, señor," ( good as always) humalakhak naman ang lalaki pero bigla itong naging seryoso.
"Isang napakagandang balita ang iyong pagbalik,"sabi nito," alam na ba ni doña Consuela ang iyong pagdating?"tanong ng lalaking may hawak na tungkod.
Tumango ang doña,"nabanggit niya ang nangyari sa Alcalde mayor, mas magandang itawag na dating alcalde mayor,"ngumisi ito,"maganda ang mga lupain ng mga Sanchez,ang bali-balita'y maganda ang mga ginapas na palay at mais nitong mga nakaraang araw."
"Así es,"(That's right) tumawa ang lalaki,"nalalapit na rin ang pagbawi sa naibentang casa ng mga Sanchez,"dagdag nito.
"Dadalo ka ba sa misa?"
"Por qué no? nangako na ako sa aking inaanak na si Andeng na ako'y makakarating. At nais ko ring maka-usap si Consuelo."(why not)
Nakakalokong tumawa ang lalaki,"dapat na ba nating ipagdiwang ang nalalapit na pagtatagumpay ng ating plano?"
"Saka na tayo magdiwang kung tuluyan na natin naangkin ang mga ari-arian ng Sanchez."
"Napakadali lang gawan ng paraan ang iyong nais, ano ang nais mong gawin sa naiwang kabiyak ni Lolong?"
"Sa iyo ko na siya ipinauubaya, ginoo. Nasa mga kamay mo ang desisyon, burahin ang mga nararapat burahin at ang mga nakakasagabal sa atin." Isang nngisi ang pinakawalan ng dalawa bago tuluyang tumayo at sumakay ng kurwahe para dumalo ng misa.
Denise's pov
Isang buwan na ang nakakalipas, simula nang bumalik at muling umalis si Carlos. Nagkausap pa kami bago siya umalis din kaagad nung araw na iyon.
"Mamaya na ang alis ng aking sasakyan barko papuntang Europa," basag ni Carlos sa katahimikan. Nasa tapat kami ng bahay nila Bagwis. Nasa taas ng puno ng rambutan si Bagwis. Samantalang nakaupo kami ni Carlos sa ibaba.
"Totoo na yan?" natawa si Carlos sa tanong ko.
"Ano ba ang iyong ginawa at ika'y biglang umalis, ngayon naman ay kararating mo lang. Aalis ka muli."tanong ni Bagwis habang bumababa ng puno. Nilapag naman niya ang nakuhang bungang Rambutan sa harap namin. Agad naman akong kumuha at binalatan ito.
"Inasikaso ko lamang ang aking mga kagamitan para sa pangagamot."
Hindi ako kumibo at nakinig na lang sa pinag uusapan ng dalawa.
"May balita ka na ba sa tiyo?" tanong ni Bagwis habang inaayos ang sapin na tela na inuupuan namin.
"Sinubukan kong magpunta sa piitan, ngunit hindi ako pinahintulutan. Hangga't hindi pa raw nagsisimula ang paglilitis. Hindi maaring bumisita sa mga bilanggo," paliwanag ni Carlos. Napailing naman si Bagwis.
BINABASA MO ANG
Tanaw (under editing)
Historical FictionFormer Title: Ginoo ng 1896 COMPLETED Nakasanayan na ni Denise Guevarra na mabuhay mag isa, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang binatang nagligtas sa kanya. Na hindi rin nagtagal ay kanyang naging kasintahan at ang pagka diskubre n...