Kabanata 6
Denise's pov
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin na nagpataas ng balahibo ko sa magkabilang braso. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko hanggang sa may narinig akong kaluskos papalapit sa pwesto ko.
"Ginoo, ika'y magmadali sapagkat aking nabalitaan kay Ruben na magsisimula na ang ritwal ng pagtanggap," sabi ng papalapit na boses.
"Kapatid, ikaw na muna ang magtungo sapagkat ako'y may kukunin pa kay Tiya Marieta. May pinag uutos sa akin ang papá," sagot ng isang tinig.
Kumuno't ang noo ko. Ang ingay naman.
Naikurap ko ang mga mata ko nang may maramdaman akong malamig na tumulo sa pisngi ko.
"Magmadali ka Ruben! kumuha ka ng dahon ng saging! nariyan na ang ulan!" Mukhang malapit na sila sa pwesto ko dahil palakas nang palakas ang boses nila.
Nasundan pa ito ng isa pang patak, tuluyan kong idinilat ang mga mata ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa dahil parang nawalan ako ng lakas.Siguro dahil sa tagal kong nakahiga sa lupa....
Saglit akong natigilan.Teka lang.
LUPA?
kinapa ko ang hinihigaan ko't hindi pa ako nakuntento, tiningnan ko pa at sigurado na akong nakahiga ako sa lupa! Anong ginagawa ko rito?
Kahit nahihirapan pinilit kong bumangon at umupo. Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod at niyakap ang binti ko.
Ano bang nangyari?
"AHHH!"Hiyaw ko at nag papa padyak na parang bata.
Wala na rin akong pake kung madumihan ang dress ko dahil nagsisimula na akong mabasa sa ambon.
"My gosh! Yung dress ko!" Pinagpagan ko ang braso ko at harap ng damit ko tapos sinundan ko nang hagulhol. Katatahi lang 'to ni nanay Caring!
"Saang lupalop ako ng earth?!" Sinampal sampal ko ang sarili ko, hindi pa ako nakuntento at sinabunutan ko pa ang sarili kong buhok.
Naputol ang pag-iinarte ko nang makarinig ako ng mga yabag ng mga tumatakbo at papalapit na ito sa pwesto ko. Lumingon-lingon pa ako dahil baka may mga mabangis na hayop o kaya masamang tao sa paligid.
Sino pa ba ang pwede kong makasalamuha sa lugar na mapuno at damuhan ang paligid?
"Sigurado ka ba sa iyong narinig, Ruben?"
"Dinig ng aking dalawang tenga, ginoo. Aking nasisiguro na tinig ng isang binibini ang aking narinig na sumisigaw. Mas matalas pa sa pandinig ng pusa ko ang aking pandinig!"
Inikot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ito sa isang maliit na bato, kaya agad akong gumapang at kinuha ito. Inabangan ko ang paparating na nanggagaling sa mataas na damo.
Alam kong dapat tumakbo na ako at magtago, pero hindi ako makatayo, bumibigay ang mga tuhod ko. At kahit gumapang ako maabutan lang nila ako. Isa pa, ang talim ng mga damo at bato.
Umatras akong nakaupo habang naghihintay sa lalabas na kung ano sa mataas na damo na nasa harap ko.
Hanggang sa may humawi nito. Agad kong binato ang humawi ng damo. At pag minamalas ka nga naman, hindi ko tinamaan!
Nanlaki ang mata ng dalawang lalaki sa harap ko, ang isa ay tiningnan ang batong ibinato ko.
"Binibini!" humakbang ito palapit sa akin pero agad kong hinubad ang suot kong heals at inambahan siya na babatuhin. Tumigil naman agad ito at tinaas ang dalawang kamay."Hep! dyan ka lang! Subukan mong lumapit dadapo sa mukha mo 'tong heals ko!"
BINABASA MO ANG
Tanaw (under editing)
Historical FictionFormer Title: Ginoo ng 1896 COMPLETED Nakasanayan na ni Denise Guevarra na mabuhay mag isa, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang binatang nagligtas sa kanya. Na hindi rin nagtagal ay kanyang naging kasintahan at ang pagka diskubre n...