CHAPTER 35

1.2K 64 2
                                    

(Nicole's POV)

Napaikot ang tingin ni Nicole sa loob ng bahay ng mga Asistores ng makapasok na siya. Agad niyang napansin ang family picture ng mga ito kung saan ay maliit pa si Frenzy. Napangiti siya ng makita ang picture nito ng bata pa ito. Nakasuot ito ng one-piece swimsuit na kulay blue at may googles sa noo nito banda. Ang taba taba nito.

Ang cute lang!

She went towards the picture and was about to grab it ng maunahan siya ni Frenzy doon. Agad nitong itinago sa likod nito ang picture.

"W-Wag na to babe."

"Let me see. Ang cute mo kaya diyan."

Kinagat nito ang labi nito. Napatingin tuloy siya doon. Parang gusto niyang siya ang kumagat but she shook her head. Bata pa ito. Hindi niya ito hahalikan hanggang sa dumating ito sa tamang edad. Nicole force herself to stop looking at Frenzy's red lips.

"Eh babe. Taba taba ko dito eh."

Nicole stop herself from laughing pero hindi niya kaya. Her shoulder started shaking and to stop herself from laughing ay inilagay niya ang kamay sa bibig.

"Ok. Di ko na titingnan yan." Lumingon siya saglit sa bandang kusina. May naisip na siyang kalokohan para makuha ang picture. "Tinatawag na ata tayo ng mama mo. Kakain na ata."

Frenzy's face relaxed. Inilagay nito ulit ang picture frame sa display stand and that's when she pretended to go to the kitchen but she just grabbed the picture.

Napangiti siya ng mapag masdan ang picture nito ng maigi. Nakangiti ito kaya kitang kita ang biloy nito sa pisngi. Ang cute cute talaga, parang ang sarap lang ibulsa.

"Ay babe naman eh!" Mabilis na inagaw sa kanya ni Frenzy ang picture nito. "Niloloko mo ako di pa eh."

Nicole's face broke into a smile. "Ang cute mo kaya. Akin na lang yan para may remembrance ka naman sakin."

Ngumuso ito at inirapan siya. "No. Babe bakit ito pa? Ayaw mo yung mukha ko ngayon? Latest pic ko na lang ang ibibigay ko."

"Mas gusto ko yang chubby cheeks."

"No."

Sumimangot ito at ibinalik na ang picture frame sa stand. Saka nito hinawakan ang mga kamay niya. Hinila siya nito papunta sa kusina. Nicole smiled. She wants to have a future with Frenzy but they are both young. Balang araw.

"Upo ka."

Yumuko ng bahagya si Nicole ng makita ang mama ni Frenzy. May hawak itong sandok sa isang kamay at nag sasalin ito ng sabaw sa isang bowl. Pagkatapos ay inilapag nito iyon sa mahabang lamesa ng mga ito.

"Dito ka babe."

Pinaupo siya ni Frenzy malapit sa upuan nito. Pagkatapos ay kumuha ito ng pinggan. Nicole stood up to help her. Nakakahiya kasing hindi siya kumikilos. Makikikain lang naman siya.

"Ako na babe." Frenzy shooed her. "Nakakahiya sayo."

"Ako nga dapat ang mahiya kasi makikikain lang ako. Tapos di ako tumutulong."

Natigilan si Frenzy sa sinabi niya. Pag kuwan ay ngumiti ito. "Kaya gusto kita babe eh. Sige ito. Ilagay mo doon sa lamesa. By this time parating na si dad eh."

Ibinigay nito sa kanya ang plato na may nakapatong na mga kutsara at tinidor. Nicole put it in the dining area. Sabay silang nag patong ng mama ni Frenzy ng mga daladala nila. The older woman smiled at her. It was those kind smiles an elderly woman shows to a young person.

"My daughter likes you so much. Thank you sa pag ligtas sa kanya noon."

Nailagay ni Nicole ang kamay sa batok niya. Nahihiya siya sa papuring binigay nito. "W-Walang anuman po. Kahit sino po ay gagawin din ang ginawa ko."

Chasing Nicollete Jung - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon